Making cookie dough.
While I sing and dance.
My kind of Sunday! Making a batch of cookie dough for tomorrow's orders. Masaya ako kasi every month, may nag-oorder pa rin ng cookies sakin. Yay! Ty Lord. Also, I love Sundays. Kahit may ginagawa ako either work or for my business, no fail siya magbigay ng ibang klaseng kalma. So forever grateful for Steady Sundays!
Grabe. Yung init ngayon though, akala mo nasa outing ka kahit nasa bahay ka lang naman. Pero kahit na ganun, nilalabanan ko ang init at katam at gumigising ng maaga to do my daily walks and pagbabalik loob sa jump rope. I gained so much weight because of stress eating and travel food trips sa loob ng tatlong taon. Kaya goal ko ay before our 2026 APE, pumayat na uli ako at makabalik sa healthy ideal weight ko. Para di na ko pagsabihan ng cardiologist at resetahan ng mga ubod ng mahal na gamot. Mahirap cos I love food. Haha. Pero kakayanin. Gusto ko lang masuot uli yung mga dress ko na kasalukuyang nagha-hibernate sa cabinet. Baby steps!
Gusto ko lang din share na dahil sa init ng panahon, 1 day lang eh tuyo na ang laundry ko. Hahaha. Yun ang magandang naidulot ng panahong ito.
Maiba lang, I watched "Love at First Sight" last night sa Netflix. Wanted something kilig and light lang before going to bed and it delivered. Ewan ko ba kilig na kilig ako. Tsaka parang ang saya magbakasyon sa London. Apakamahal lang pero kayang pagipunan. Sokor and Japan yung go-to namin pero when I saw London sa film, parang gusto kong ma-experience at makita ang ganda niya. Hopefully, next year! May mga nakapila na pero laban. Miles, do your thang! Sa ngayon, manonood muna ko ng movies na London ang setting.
Nadadagdagan ang nasa list of manifestations ko. Excited for the magic of the Universe para ma-achieve ko ang mga 'to!
Yun lang. Random Sunday entry just ''cos I feel like it. Hehe! Byeeee.
No comments:
Post a Comment