Saturday, April 11, 2026

It's been 5 years...

Noong isang araw, nag-de-delete ako ng videos sa phone ko at napanood ko uli yung recording ko ng mga convos ko with mama's doctors daily na sinesend ko kay ninong Jay. Yun yung time na naospital si mama because of Covid at mga doktor na yung nakakausap ko kasi naka-intubate na siya. Noong mga panahon na yun, kada gising ko, para 'kong hindi nakapahinga kakaisip. Kasi araw-araw, sinasabi ng mga doktor na hindi bumubuti ang lagay ni mama. That I should prepare for the worst. Yun yata yung moment na pinaka gulong-gulo yung utak ko kasi tinanong na rin nila ko regarding sa DNR. 

Kinailangan kong kalmahin ng ninong Jay ko kasi I was so confused. Binigay nila ninong sa akin yung power to decide dahil after all, mama ko siya. I wanted her to live. Sino ba namang anak ang hindi gugustuhin yun diba. Pero sabi ko sa sarili ko, tama na ang paghihirap. I prayed and asked Him na if will niyang umokay pa si mama at makasama ko pa siya, then let her get better. Pero if not, I trust His plans and will let Him take my loving mother back to His arms.

Noong nawala na si mama, iyak ako ng iyak for a really long time. I never got to hug her. Nasa malayo lang ako habang tinitignan ang black body bag kung nasaan siya. Kaloka rin yung feeling na iyak ka ng iyak pero sangkatutak na papers ang kailangang pirmahan at ayusin. Gurl, laban. 

A few days after she passed away, may time na nasa condo lang ako noon mag-isa. 
Kasama ko yung urn niya. I was alone trying to process everything.
Yung landline ko na tanging siya lang ang may alam ng number ay biglang nag-ring!
Unang reaction ko: TAKOT. Nanginginig ako nun at nagmamadali akong tinanggal ang landline sa saksakan. Up to now, nakatanggal pa rin siya sa plug. Pero madalas kong iniisip, what if sinagot ko? Boses kaya niya yung maririnig ko? At ano kaya ang sasabihin niya? We'll never know! 

I miss my mama daily. Lahat ng pinagdadaanan ko noong nabubuhay pa siya, alam niya. Minsan gusto kong humingi sa kaniya ng sign kung tama ba yung mga pinaggagagawa ko sa life at kung proud ba siya? Mga ganung bagay. Pero ang pinaka importante, gusto kong magpasalamat sa kaniya for giving me a life na talagang na-enjoy ko. Hindi kami mayaman pero hinayaan niyang ma-experience ko ang mga bagay-bagay. Especially noong nag-HS at College na ko. May konting mga bilin lang pero basically, she let me be. She allowed me to discover who I truly am na walang kamay na bakal involved. Maybe that's why I shared everything to her na walang fear o pagaalinlangan. She's my safe space. 

I know she hears my prayers daily. And I trust na sanib pwersa sila ni Lord na tutulungan akong tuparin ang mga iyon. Kasi lately, may mga nangyayari sa akin at sa mga taong nakapaligid sakin na nagca-cause ng delay sa mga plano. So sabi ko, tiwala na lang talaga. Believe that everything happens for a reason talaga. Lapit na matupad ang mga yan. Naniniwala ako :)

Love you forever, Mother dearest! 
Pa-hug nga! Miss kita sobra eh!

No comments: