Yun yung naramdaman ko kagabi. Galing akong Tomas Morato noon. Sabi ko maglalakad ako pero dahil ayokong lumamig ang Takoyaki, nag-taxi ako. Gusto ko na lang talaga nun umuwi pero sabi nga nila, expect the unexpected.
Sa tapat ng office nakita ko siya, papasok ng gate. Alam kong siya yun kahit na pa side view at patalikod ko nang nakita. Tindig pa lang pati paraan ng paghawak ng bag at paglalakad, siya na yun.
Ganun pala yung pakiramdam no. Parang tumalon yung puso ko na iniisip ko kung siya nga ba talaga yun. Pero wala akong nagawa kungdi tignan lamang siya.
————-
Nagustuhan ko lang ‘to. Kung pwede lang yung bus eksena ni Seon Ho and IU sa “When Life Gives You Tangerines” pero nakakapagod yun. Hahaha!
No comments:
Post a Comment