Wednesday, March 22, 2017

"I found a love for me..."

Isa sa bagong favorite kong songs ay yung "Perfect" by Ed Sheeran. At unang una ko yung narinig sa teaser ng love story avp nila Mike.

(Cut to inupload na ang buong avp sa facebook)

Kakatapos ko lang panoorin yung love story avp ng officemate ko at tandang tanda ko pa yung unang beses na pinakwento ko yun sa kaniya.. kitang kita sa mukha niya and damang dama ko sa pagkakakwento niya how in love he was with his partner. 

That was almost 2 years ago. At noong napanood ko yung buong video earlier, narealize ko na yung pagibig na meron sila for each other eh nakakahawa. Na ultimo yung mga nagkukwento sa video, they also feel the love at lumabas siya sa narrative ng video na yun. 

Yung totoo, atat na atat na kong malaman yung tunay na love story ko. Pero watching their video made me believe na I need to calm down and wait for mine. Kasi as hopeless as I may seem right now, dadating din yung tao who will rescue me and save me from being lonely. Naks! 

Shucks, excited na kong ikwento sa mga apo ko ang love story namin ng lolo nila. Wow. Haha! 

I will find a love for me. Or, ihahatid siya sakin ni Destiny. Sabi ni Destiny, siguro naman natutunan mo na yung mga kailangan mong matutunan sa mga lalaking nakilala mo.. o eto. Yung taong papatunayan sayo lahat ng yan! Haha!

My officemate's love story avp is my source of good vibes today! ❤️

No comments: