Hinangad.
Nag-ipon.
Naudlot.
Last year, masaya kong kinuwento yung balak ko na bumili ng sarili kong condo. Gusto ko na din kasi talaga ng lugar na mataimtim akong makakapagluto, maglalakad na walang pakialam kung ano suot ko at magkukulong kapag gusto kong bumitaw panandali sa mundo. My very own space.
Araw araw din akong nagca-calculate kung kaya ko nga ba ang gastusin etc. Kasi what if mawalan ako ng show, wala akong sweldo right? Pero faced my fears, applied for a checking acct at nagantay sa updates regarding sa unit.
I prayed. May bago akong novena na dinadasal. I prayed na bigyan ako ng sign if meant na bumili ako or not. Nagulat ako noong isang araw na tinawagan ako ng agent ko at binabawi daw yung unit na pinareserve ko ng previous owner. Deep inside gusto ko sabihing "Anak ng..." pero dapat class pa rin tayo so dedma sa feelings. At yun naman ang pinagdasal ko eh so no need to be extra emotional hehehe
Ni-request ko nalang na babawiin ko reservation fee ko. Tapos natawa ko. Naisip ko, pag meant to be talaga wala namang makakapigil sayo e. Pero kung hindi pa time, hindi pa dapat.. andyan yung mga balakid sa paligid. Delayed man yung plano kong mag-alone time, okay lang. Iipon na lang muna siguro ako. 1 passbook, para sa travels. 1 passbook, savings.
Ayun. Antok na me. 2:18AM na kasi e.
No comments:
Post a Comment