Thursday, December 22, 2016

Dear Me

Malapit na magtapos ang 2016. Honestly, hindi ko alam kung tama ba ang mga pinaggagagawa ko sa buhay. Iba 'tong taon na 'to. Iba! 

As in nung kinuwento ko sa isang friend ko yung summary ng taon ko, tulala siya. 

"Friend, grabe. As in, wala akong masabi"

May time this year when I stopped praying the novena I used to pray every single day. Hindi naman sa tumigil akong maniwala. It's just that ang hirap magdasal for something na gusto mo na lang kalimutan muna. Parang I just want the day to pass by and ask Him for guidance and strength without mentioning a single name.

Yep, ganun kasakit.

This year, nalunod ako sa trabaho, got my heartbroken, started dating again. But still pretty unsure sa buhay ko. I love my job, doon ako sigurado. But sa ibang aspeto, uhhhh....

Tulad na lang ng entry na 'to na walang kasiguraduhan kung ano ba ang point ko. Hahaha!

I want to stop overthinking, trust Him and go with the flow. But I'm hoping na sana 2017 would give me a hint man lang para maging mas clear na kahit papaano ang mga bagay bagay. 

Nagmamahal, Me. 

No comments: