Monday, June 06, 2016

Oh Man-day!

Ang sarap sarap ng tulog ko kanina kahit na late na ko natulog, mga 4am. Biglang nagring yung phone ko ng 7am.

Naghahanap sa akin ng shoot guides yung SP kasi may shoot daw today yung contenders ko. Na sa pagkakasabi sa akin, thursday pa. Ayan ang napapala ng hindi maayos na pagcascade. Kaya nagising ang diwa ko at nagsimula na kong mag interview at mag magic ng shoot guides ng isang oras. 3 hours of sleep. What a way to start my monday morning.

Kaya para naman mapalitan ng saya ang umaga ko, nakiuso ako sa June Memes. Ito ang entry ko for June 6


Waley diba. May okay daw yung isa ko na kanta ni Neyo. 

"Im June 6 of love songs, so tired of tears. So done with wishing you were still here"

Eh ang haba, so wag na.

After ng opening prod ng hashtags, hindi mawawala yung paghalik ni Ronnie sa pisngi ko. Nakakatuwa siya kasi kahit alam niyang may ginagawa ako, inaantay talaga niya ko para bumeso. Kileeeeg haha! 

Kanina, nilapitan din ako ni Ryan Bang

Ryan: Ininterview ka pala nila doon sa papalabas na show ko sa Korea?
Me: Ay oo! Sinama pala nila talaga ako dun?
Ryan: Oo, napanood ko.

Emeged, makikita ng buong korea ang interview ko na:

A. Nagmamadali ako at hindi ko alam kung tama ba ang sinasabi ko dahil nagpprompter ako nung naisipan nung Koreano na interviewhin ako
B. May itim na tinapay ako sa bibig

Sana mapanood ko nang mapagtawanan ko naman sarili ko.

Kanina, ang huhulaan sa trabahula ay isang cake decorator. Sa kalagitnaan ng "Kilos", tinanong ako ng boss ko na si Sir Reily..

Sir: Ano na sayo. 1 or 2?
Me: (Nag-hang) Hindi ko po kasi napanood kung paano magdecorate yung 1 and 2...

Yun pala.. Tinatanong niya kung number 1 or 2 kami sa twitter. Bwahaha! Feeling close ako, akala ko nagcocompare na kami ng mga hula namin. Pasensya! Gusto kong magtago nung mga panahon na yun.

After live, supposedly may OOTD shoot kami sa OOTD Area pero di na natuloy. Kaya isang indoor shoot ang naganap.



Ang saya ko diyan dahil nakakain ako ng Pancit Canton na pinigaan ko ng tatlong Calamansi. The Maasimer, the merrier.

Umalis ako ng office ng maaga dahil kinita ko ang Ninong at Ninang ko na uuwi na pabalik ng Australia. Nakakatawa si Ninong kasi gustong gusto niya na pinaguusapan yung tungkol sa love life ko pero inis na inis kapag tungkol na sa love life ng pinsan ko na panganay niya ang pinaguusapan. Hahaha!

Natutuwa ako sa kanilang dalawa kasi kapag kasama ko si Ninong, kung anu anong katatawanan tungkol sa Ninang ko ang binubulong. At ganun din kapag Ninang ko naman ang katabi ko. In short, sa tanda nilang yun, nagagawa pa rin nilang asarin ang isa't isa. Hahaha! I think sila na ang idadagdag ko sa listahan ng ideal couple ko. Hehe.

Dinala nila ako sa grocery at pinakuha ng kahit anong gusto ko bago sila umuwi. Unang unang kinuha ko, cream cheese and butter. Haha! At kung anu anong matamis for a more hyper me.

Hindi kami nakapagpicture kasi mas nawili kaming magkuwentuhan. Hanggang sa kinailangan ng magpaalam sa isa't isa.

Habang nakasakay ako sa Uber car, nakadungaw ako sa labas ng bintana na parang nasa MTV Shoot. Naisip ko ang sarap sarap ng feeling na habang umuulan, nasa kama ka lang tapos naka aircon kayo pero napaka kapal na kumot ang nakatalukbong sa inyo. Tapos magkayakap lang kayo. Hehe. Paborito ko yun. Tahimik lang. :)

Habang nasa kotse, pinapatugtog sa radyo yung mga kanta na nagpapaalala sakin sa isang tao. Yung totoo, sunod sunod? Tapos nung auditions, sunod sunod din na katukayo niya ang nagaudition. Bakit ka ganito, Universe. Bakeeeet. (Arte)

Sabi ni Ebe Dancel, "Tulog na, Mahal ko". Kaya matutulog na ako. Goodnight! :)

No comments: