Friday, June 10, 2016

HBD ILY Mama! :)

Ang hindi ko maintindihan sa sarili ko.. Kapag may pasok, tamad na tamad akong bumangon at late ako nagigising. Pero kung kailan off ko, hala.. Ang aga magising. Bakeeeet.

Yesterday was my mother dear's birthday. Kaya hinanda ko talaga ang wallet ko dahil kailangan pasayahin si mama. Hehe. Buti na lang sweldo!

Galing Manaoag si mama at dumiretso siya sa condo para makita niya finally kung saan ako nakatira. 





Nagkwentuhan kami kung kamusta ang condo living. Tapos nakita niya yung swimming pool. Kapag nagkatugma ang mga off namin, balak namin na sabay kaming malulunod. Haha!

Supposedly, kakain lang kami sa buffet and then bibilan ko siya ng gift. Pero nainggit si mama sa buhok ko..

Mama: Pagupit din kaya ako ng ganiyan?
Me: Oo go, magaling siya!
Mama: Kaso ang mahal..
Me: Hayyy, tara na dagdag mo na yun sa regalo ko sayo! 

Sumubok kasi ako ng bagong hair stylist. Medyo mahal siya.. As in times 22 sa presyo dun sa dati kong pinapagupitan, pero worth it naman and it made me happy :) Sorry Kuya Arnold, may bago na akong favorite hairstylist :(


Si Sir Andy ang bagong go-to hairstylist ko. Haha! Nakilala ko siya dahil kay Ate Bebeth and apparently sa kaniya din nagpapagupit si Enzo at ang new co writer ko na si Ate Sol. 

Ang saya lang nila ni mama diba. Pero nagpapahiwatig na talaga yung tiyan ko niyan na kailangan niya na ng laman. Buti nalang may free iced tea! Yehey.


Ang finished product. Happy mama, happy anak! Nakakatawa kasi para makuha yung shot na yan, nakapatong yung camera ko sa baso ng iced tea. Para-paraan din.

Walang nasunod sa mga pinlano namin. Hindi kami nakapag buffet, hindi din namin nabili yung gift dahil wala yung gusto niyang kulay. Ending, nauwi kami sa bigayan ng cash at kumain sa ibang restaurant. 





Kinuwento ko kay Mama na ginreet ko si Ninong na birthday naman noong June 9. Na ang sabi sa akin ay alagaan ko si mama, make the right decisions in life at bisitahin ang lola ko sa Quezon City. Nagkataon na hinihingi ng kuya ni Peej yung hiniram kong router dati na nasa qc ngayon kaya siguro yun na din yung moment para mabisita ko si Lola at mawala na yung sama ng loob ko sa nangyari dati.

"Iwasan mo lang yung Ninong mong Flip!", sabi ng kapatid ni Mama. Hehe. 

Sobrang random ng mga ginawa namin today, pero ramdam ko naman na maligaya si Mama. 

Me: "Ma, pag-pray mo na dumating na yung True Love natin! Lalo na yung sayo!"
Mama: "Lagi ko naman pinagdadasal yan anak, lalo na yung sayo. Araw araw. Darating din yan. I-enjoy mo muna na mag-isa"

Pero yung totoo, gusto ko talaga na mameet ni Mama yung other half niya. Kasi gusto kong maramdaman niya uli yung maligaya siya and safe siya sa piling ng taong destined para sa kaniya. Cheesy man pero wish ko na hindi fate ni mama and maging single mom forever. Andito lang ako lagi for her pero I want her to be happy din dahil nakilala niya na ang "The One" niya. 

Sabi nga ni God, "Trust my timing".
So Lord, kayo na bahala kay Mama ha! :)
Wag sana masyadong maligaw si Mr. Right. Hinihintay na ng Cupcake ang icing. Wahaha ano daw! :)

No comments: