Saturday, June 04, 2016

Ala eh!

Noong Sabado, pag patak ng 5:45PM ay lumabas ako sa may balcony ng unit namin. Dala ko ang camera ko at kinuhanan ko ng litrato yung langit. Gustong gusto ko kasi na nakikita na lumubog yung araw. Wala akong pakialam kung nangitim na yung braso ko sa alikabok. Basta makuha ko lang yung perfect shot.

Feeling ko kasi kapag pinapanood ko na lumubog yung araw, kasabay nito yung pag surrender ko ng negative feelings and somehow para kang nabibigyan ng bagong pagasa dahil alam mo na kinabukasan, it's a brand new day! 


After nun, binaba ko ang camera ko at tinitigan ko lang yung mga ulap. Kinausap ko si Lord. Pero this time hindi na ako humiling.

"Kung ano po ang plano niyo, ayos ako dun. Excited na akong malaman kung ano po yung surprise niyo sakin."


Nung panahon na yun na malayo yung telepono ko sa akin, naramdaman ko yung katahimikan na hinahanap ko. 

Assigned na naman ako sa Auditions noong Linggo and I am not complaining. Batangas ang venue namin this time. Ineexpect ko na kakain ako ng Lomi pero hindi lahat ng gusto natin eh natutupad. Hahahaha!

Sinundo ako ng service ng 5AM. Pagkadasal ko sa huling araw ng novena ko, hindi ko na namalayan na nakatulog na ko at paggising ko, hello Batangas! Ganun ka lalim yung tulog ko at nakakatawa dahil alam na alam nung nagtext sa akin yung kalagayan ko sa van habang nasa byahe ako. 

"Nganga siya sa byahe o! Morning! :)"


Ang aga kong nakarating ng Batangas Country Club. Paghiga ko ng kama... Zzzzz. Bagsak uli mga kaibigan. Ang lala lang ng insomnia ko. Kaya noong breakfast, hindi ako tumanggi sa isang tasa ng kapeng barako na tinimplahan ko ng kape na style ni Kuya Amado. 3 tsp ng creamer at 2 tsp ng asukal. 

Dito nakilala ko ang bagong SP na makakatrabaho ko, si Kuya Marlon. Nilibot namin yung venue dahil wala pa kaming camera dahil gamit lahat ng isang show. 




After nun, pumunta kami sa bahay nila para maglunch. Nakita ko yung mama niya na hinahain yung food sa mesa para sa amin. Sa isip ko, ganito ko pagtanda ko. Luto nalang ako ng luto para sa mga bisita at pamilya ko. Masaya yun :) 

Then matapos namin busugin ang tiyan namin, oras na para sa tunay na dahilan bakit kami andoon. Auditions Time!


Me: "Kuya, tingin ka sa camera forever. Wag mo kong tignan kahit kausap kita. Magpakilala ka, name, age, taga-saan, ano ang pinagkakaabalahan mo sa buhay at ano sa tingin mo ang kaibahan mo sa ibang lalaki"

Yan ang naging opening spiel ko sa lahat ng lalaking nag audition. 50 guys later, heto na ang kalagayan ko habang sinasabi ang opening spiel ko.


Kaya tinulungan ako nila Kuya Marlon and Ate Abby. Salitan sila sa opening spiel at ako ang taga grado at comment. Hehe. 

Ang LSS of the day ay walang iba kungdi "Love Yourself" ni Biebs. Halos lahat yata yun ang kinanta. At nung may isang lalaki na hindi alam yung "Love Yourself"..

Abby: "Hindi mo alam? Yun pa naman ang winning piece!"

Tawang tawa din ako dun sa bagong lyrics ng on the wings of love na kinanta ng isang nag audition...

"Bunny above the clouds, the only way to fly..."

So far naka 87 kaming auditionees. At sa araw na yun hindi namin namalayan na nguya kami ng nguya ng hotdog, chichacorn, french fries, seneguelas at mango shake. Kaya matapos ang gabi.. 

"Parang gusto ng maghimagsik ng tiyan ko!"



Bumalik kami sa hotel para kuhanin ang ibang gamit and sobrang nagulat ako kasi napakaganda ng paligid sa gabi. 




As in nung moment na yun sa sobrang natuwa ako sa mga ilaw and yung sa mismong lugar, bigla kong namiss makipagdate. Hahaha! Ang labo diba. Pero magandang date place siya, dinner tapos kwentuhan lang ganern!

Bumyahe na kami pabalik ng QC and as usual tulog na naman ako buong byahe kaya pustahan 4AM ang tulog ko nito. Hehe. Pero overall, I had fun. Masaya na makasalamuha ng iba't ibang tao. For a change. :) Sana sa Bohol naman ako sa next Auditions! 

Sa ngayon, I feel na somehow everything is slowly making sense. Unexpected, pero siguro timely na rin :) Basta! Embrace Change ika nga. :)

No comments: