Tinitigan ko siya at binulungan ko. Pagkatapos, patuloy ang paglalakad ko pauwi.
May nadaanan akong resto bar na may kumakanta ng "You & Me" ng Lifehouse. Alam mo yung winiwish mo na dumating na yung moment na yun na makakarelate ka sa mismong sinasabi ng kanta. Yung mapapangiti ka kasi alam mo yung feeling.. Hehehe. Wala lang.
Madaming nangyari the past few days na wala akong ganang isulat or ikwento. Pero nahanap ko na ang favorite movie house ko, narealize ko na namiss kong kumain ng tender juicy hotdog dahil dun,
Na sobrang nakakatawa si Yeng Constantino..
Na nadagdagan na naman ang listahan ko ng isang taong matuturing kong mabuti at maaasahang kaibigan..
Na kapag hiniling mo ng buong puso, mangyayari ito... Kahit na parang imposible. Gulat talaga ko dito! :)
Na dapat dumeadma sa mga taong nananadyang inisin ka dahil in the end babalik din sa kanila ang kababawan nila
Na posible din pala na yung taong hinahangaan mo eh mapansin yung gawa mo. Hehehe. Chef mikoooo :)
Na madali lang pala magluto ng chicken tocino..
At na kahit matanda na tayo eh uso pa rin ang asaran ng secret admirer. Hahaha!
Hindi ko pa din nasisimulang ayusin ang planner ko. At mukhang mawawala muna talaga ko pansamantala sa tinuturing kong show ngayon. Pero excited na ko kasi this weekend, babalik ako sa lugar kung saan shinoot ang "That thing called tadhana". Pero hindi ako pupunta doon para mag move on, kundi para magtrabaho.
Sheeeeemay strawberry taho, aaraw arawin kita humanda ka!!! I get to travel! Sorpresahin mo ko, O Baguio! :)
Gusto kong maglakad lakad dun habang gabi tapos magreflect lang sa mga bagay na gusto kong ipagpasalamat. Lately kasi paglalakad at musika ang panandaliang source ng katahimikan sa buhay ko. Naks! Para kong lumalayo sa mundo.
Universe, ano na. Haha! Di joke lang, siguro senyales to na dapat magipon muna ako. At makontento muna sa company ng sarili ko.







No comments:
Post a Comment