Saturday, May 21, 2016

Missing...

May tendency ako na maattach sa mga contestants. Lalo na kapag bilib ako sa talent nila. At isa na dun yung artist from na iniyakan ko from TVK last season na hindi naikutan. Sobrang gusto ko kasi yung batang yun. Kaya after nun, minessage ko ang mommy niya at inencourage ko na mag-audition uli.

Fast forward to today.. Ngayon naganap ang audition niya. Tinext ako ng mga officemates ko na manood daw ako pero di nila alam, nasa family room na ako at nakaabang na. Hahaha! Ninang Duties!

Sobrang proud ako sa kaniya kasi napabilib niya ang lahat ng coaches at naalala pa siya nung dalawa. Siguro hindi rin meant for him yung huling season. Baka ito yung right time for him. This is God's perfect time at naniniwala ako na malayo ang mararating ng batang iyon sa kompetisyon.




Namimiss ko ang show na iyon. I have to admit na nalulungkot ako na di na kami part ng show pero ayos lang, basta may trabaho! At dahil malakas ang ulan, tumambay muna ako doon hanggang sa tumila na ang ulan.



Very makalumang studio pic posing.

Isa sa mga namiss ko bilang isa sa mga writers ng show is yung nai-she-share ko yung mga jokes or kalokohan ko sa host tapos gagamitin nila.

Kanina nakahirit ako ng isa.

Coach B: I will be your taste police!
Me: Rob, knock knock!
Rob: Who's There?
Me: Taste Police.
Rob: Taste Police who?
Me: I'm forever yours.. Taste police!
Rob: (Tumawa) Gagamitin ko yan!

At sana gamitin nga nila sa editing. Hahaha! 

Pinaguusapan kanina ang Munggo. Hindi ko alam bakit pero bigla akong nagcrave. Naalala ko yung luto ng lola ko. Kaya nagmadali ako para makahabol sa grocery at dali daling bumili ng ingredients. 

And tadaaaah. After 1 hour, ito na siya.


Masaya ang buhay kapag marunong magluto. Hehe. Iniisip ko kung paano ang magiging meal plan ko kapag naging mommy na ako.

And speaking of.. Nahanap ko na ang peg ko na proposal photo. Bwahaha! pero kaming dalawa lang dapat at walang ibang taong involved sa moment na iyon. Basta after niya ko isurprise, Ako na bahala na magset up ng tripod at camera! Lagi ko naman dala yun for sure hahaha!



Parang ang dami kasing stars! Ganda right. Walang kasing saya kapag alam mo sa sarili mo na sure ka na talaga sa partner mo :) At kita naman sa mga mata nila na maligayang maligaya sila no? Saan ba kasi tong location na 'to!

Friday was alright.
It was good. 
Sana wag ako topakin sa mga susunod na araw. 

No comments: