Sunday, May 22, 2016

Nagiisip pa ko ng Title..

Inaya ko yung dalawang kaibigan ko umalis kanina. Ngunit subalit datapwat hindi sila pwede. May lakad kasi sila kasama ang mga boyfriend nila. Sa isip isip ko.. "Demmit!!!" Pero feeling ko ito din yung nararamdaman nila nung ako naman ang inaaya nila tapos ako ang hindi pwede kaya fine, quits lang. 

So ginawa ko yung bagay na ginagawa ko kapag wala na akong magawa maliban sa tumunganga.. Magluto!

Nagpunta kami kahapon ng Japan Home para bumili ng mga gamit para sa condo. Nakita ko yung parang egg molder ba yun. Basta heart shaped siya kaya binili ko agad! 

Medyo hooked na ko sa pagluluto ng fried rice. Gusto ko yung sobrang tutong parang yung sa mga tapsihan hehe. So nagluto ako ng kung ano meron sa cabinet.

*Chorizo de Bilbao
*Sandamakmak na Garlic
*Magic Sarap
*Pepper

Pwede na! Game! Nakakahiya man pero inabot ako ng 20 minutes hahaha! Eh kasi naman di ko pa makuha yung gusto ko na klase ng pagka fried rice. Then excited na excited na ko lutuin yung sunny side up. 


Ganda niya diyan diba. Pero after 5 minutes ng pagluluto... Hindi ko siya maalis sa aparato. Hahaha! Ang pangit tuloy ng kinalabasan. 


Lesson learned: Lagyan ng konting oil yung loob ng egg molder. Pero gusto ko siya kasi masarap yung pagkaluto nung yolk. I am not Yolking. The best talaga ang Bounty Fresh Eggs :)

Pinakita ko sa officemate ko.

Matt: So may epekto ba sa lasa yung shape?
Me: Wala. Pero naging emotional ako. Mapuso kasi.
Matt: K

So as usual, solo flight na naman ako. I had another "Me Time".

Nagsimba ako sa chapel ng Abscbn. Habang papunta sa Chapel, nakatingin ako sa sahig kung maglakad. May nakita akong sticker ng pangalan ng audience na akalain mo nga naman.. Sa lahat ng pangalan na pwedeng idikit dun, pangalan niya talaga ang nakita ko. Nakakatawaaaa. Funny ka Tadhana. Apir!

Nakasabay ko sa misa yung editor namin na laging nangaasar sakin. Nagiiba talaga ang aura ng tao kapag nasa simbahan. Nakita ko yung "Good Boy" side niya. Hehe.

After ng misa, Pumunta ako ng UP Town Center. Nakita ko yung bagong engaged na officemate ko. Minsan kasi kapag wala ako sa mood mamansin, nagtatago ako so umiwas nalang ako. Haha!

Nag grocery ako, Kumain lang ng ice cream, naglakad lakad, soul searching lang saglit, naimbey sa mga sobrang sweet na couple (joke lang) tapos umuwi na. 

Supposedly gagawa ako ng French Toast para may kakainin ako habang gumagawa ng Spiels ko pero paguwi ko, sila ang naabutan ko sa loob ng condo.




At may iba nang nagluluto ng bonggang dinner.. so yehey, di ko na kailangan magpagod. Bukas nalang ang French Toast-uh! 

Nanood kami ng episode ng GGV na si Angelica P. ang guest. Tawa kami ng tawa sa banter nila ni Vice pero iniisip ko yung talagang pinagdadaanan niya off cam. At ang hirap magpatawa or magmukhang masaya when deep inside lugmok ka na. Gusto ko yung napaka simpleng linya na narinig ko.

"Uy Girl, Bangon!"

Boom. Bangon Pilipinas. Bangon Pusong naghihingalo. Lol. 

Isa sa mga promise ko sa sarili ko ay gagamitin ko na ang 2016 Planner na binili ko. Sisimulan ko this June. Nawalan kasi talaga ako ng gana magsulat simula October last year. Papalipasin ko muna tong buwan na 'to then sa buwan ng Hunyo, gagawa na ko ng magagandang memories. :) Tatadtarin ko siya ng pictures and notes from importanteng tao sa buhay. Masaya kasi magbalik tanaw at magbasa after a long period of time.

Ang entry na ito ay parang pagibig..
Minsan walang closure.
Ayon. Bye. 
Hahaha!

No comments: