Looks weird pero I made scrambled eggs with mozzarella cheese and fried rice!
After eating, tumulala muna ako and nagdasal. Nasa point na naman kasi ako ng buhay ko na parang medyo lost ako. I am happy with my work pero parang wala talaga akong nilu-look forward kada paggising ko sa umaga. I know kailangan ko maging grateful and I am naman pero may kulang talaga eh. Ewan ko kung ano. I just prayed na when the right time comes, magiging okay na ang lahat. Para kasi akong robot lately e.
Nag-edit ako, nagphoto shoot na naman with my buddy and then tumunganga sa Ipost with my new leather journal! Finally, dumating na ang matagal ko ng inaantay!
Balak ko kasi na ilagay dito yung mga recipes na tried and tested ko na. Minsan kasi malilimutin talaga ako and hindi ko na maalala kung ilang minutes ba ang baking time ko etc. Kung may Batang Ama, ako ang Batang Lola. At balang araw ang recipes na ito ay ipapamana ko sa aking mga anak at apo. Pero lola camsywamsy pa rin ang itatawag nila sa akin. Para cool.
Habang nakatunganga sa Ipost, Nakita ako ng dati naming post PA na si Kat.
Kat: Cams may humahanap sayo kanina.
Me: Sino?
Kat: Si Luis. Kanina kasi sa meeting, sinabi na kasi kung sino ang prompter partner niya. Sabi niya "Nasaan si Cams?" Hinanap ka niya talaga.
Me: Awww. Talagaaaa (Pabebe voice)
Yung totoo, sobrang na-touch ako. For the longest time kasi, siya na yung partner ko na Host. Eversince trainee pa lang ako, ngayon lang kami nagkahiwalay na show. Minsan talaga kailangan mong mawalay sa mga taong importante sayo... Emotional pala. Hahaha!
Umuwi ako ng maaga dahil apparently, yung dahilan ng pagmamadali kong pumunta ng office ay hindi tuloy. Eh di wow.
Nakita ko siya bago lumabas ng pinto. Mukhang masayang masaya na siya. And the last time na nagusap kami napakasungit niya and now hindi na din uli kami naguusap so I'm guessing na okay na siya? Medyo nagfreeze lang yung mundo ko ng slight at hindi ko alam kung ano gagawin ko pero ngumiti kami sa isa't isa.
Badtrip lang yung limitado na yung pwedeng gawin dahil lang sa mga di inaasahang pangyayari. Haha! Yung imbes na makipagkwentuhan pa, waley. Dadaanan mo na lang talaga. Yun na lang ang pwede mong gawin kahit labag sa loob mo dahil yun na lang ang choice mo. Hay. Labas ng pinto.
Nakarating na ko ng condo.. Pagkahiga ko..
Vane: "Kain daw tayo ng ice cream!"
Me: "Game!"
Patay agad ang aircon at dali daling umalis. Kanina ko pa gusto ng matamis para maging hyper naman ako.
Ang sarap netoooo. Brown Butter Almond Brittle Ice cream Mantou.
Assorted Churros. Churros Coma. The only Churros among the thorns. Lol.
Hinatid nila ako agad pauwi matapos namin magingay at magkodakan.
Kaya heto ako, nakatunganga na naman. Noong isang araw, narealize ko na yung officemate ko reminds me so much of Peej. As in height, lalim ng boses, hilig sa photography and videography, pagiging mama's boy, workaholic, kakulitan, yung pagiging gentleman minsan wala din kaming mapagusapan, in short dead air na pilit kong iniiwasan via waley na hirit hahaha! Magkaiba lang sila ng ichura pero posible pala yun no.
So iniisip ko kung may babae kaya na sobrang kapareha ko? I have to meet her kung ganun! Hehe. At magkakaroon kami ng baking at punchlines showdown!
Iniisip ko din paano kaya kung umalis ako ng isang taon. Ano kayang pagbabago ang mawiwitness ko pagbalik ko? Haha kaya minsan nakakainis pag tahimik e, kung anu ano naiisip ko. Hanggang kailan ko ba pagdadaanan ang prosesong itoooo. Tantsa ko 30 days. Hahaha. Hihihi. Hohoho. Baliw na.
Makanood na nga lang ng "One Day".






No comments:
Post a Comment