1. Laundry day - Pillowcase and Kobre Kama
2. Cook something yummy for lunch
3. Spring Cleaning Kuno
4. Buy Camera Bags
5. Lubusin ang natatanging rest day this week.
So ginawa kong busy ang thursday ko imbes na humilata lang buong araw sa kama.
Una, yehey Nakapag laba ako. Yung sobrang lakas ng pwersa ng tubig pag bukas ko ng hose, tumalsik yung hose sakin at nabuhusan ako ng tubig. Para na rin akong naligo. Haha!
And then nagluto ako ng masarap na lunch! Balak ko na magluto ng may kasamang gulay para healthy at ang niluto ko ay Baked Cauliflower and Cheese. Basically para siyang baked mac n cheese pero imbes na pasta, cauliflower ang ginamit ko.
Nasanay ako sa walang kamatayang eden or quickmelt cheese pero this time, I used Monterey Jack and Mild Cheddar Cheese at masasabi ko na nabago ng mga kesong ito ang buhay ko. Excited akong gamitin sila sa mga pasta ko kasi napakasaraaaap! Ang mahal pero.. Grabe. Yammy!
Nagwalis walis ako at nagtapon ng mga nakaka stress na bagay sa mga gamit ko. Pero dahil nastress ako, sa weekend ko nalang uli itutuloy hahaha!
Ngayong araw na ito nabigay ang job offer sa best friend kong si Stepay. At dahil masyado naming namiss ang isa't isa, bumyahe pa ako sa mall na namiss ko din ng sobra.. Megamall!
Nung una, nabore siya sa paghahanap ko ng camera bags. Aba'y gusto kong siguraduhin na safe ang aking mga "baby" e! Laking pasasalamat niya nung natapos na ako at nagbayad na. Haha.
Kumain kami sa French Baker dahil gusto namin maging feeling princess pero ang totoo, hati lang kami sa isang pasta para mura. Hahaha.
Kwento siya ng kwento tungkol sa kaniyang "The One". Kinukwento niya yung mga surprise na ginawa nung lalaki para sa kaniya, yung mga kalokohan nila. Halata namang inspired ang loka! Hinayaan ko nalang siyang magkwento ng magkwento kahit karamihan doon nakwento na niya. Gusto ko lang i-express niya ang happiness niya.
Ako naman nabanggit ko sa kaniya yung ka-trainee ko na inaaya akong lumabas.
Me: Naaalala mo yung nagtext sakin na katrainee ko? Yung inaaya akong lumabas kaming dalawa?
Stepay: Yung nanununtok ng signage? O bakit?
Me: Pinagdasal ko ng maigi yun. Na sabi ko kung isang bagay lang ang habol nun at hindi maganda ang intensyon, sana gumawa ng paraan si Lord.
Stepay: O ano nangyari?
Me: Hindi na uli nagparamdam! Hahaha! Ang saya ko lang!
Pag magkasama kaming dalawa, hindi na namin namamalayan ang oras kasi puro lang kami tawanan. May mga oras na seryoso lalo na kapag may problema pero kanina, naenjoy ko lang yung simpleng kwentuhan na sa awa ng diyos, walang tungkol sa politics. Maliban nalang doon sa tungkol sa libreng starbucks.
Stepay: Ate, kapag pinakita mo daw yung indelible ink mo sa kamay kapag bibili ka ng Starbucks, may libreng isa pang kape!
Ate: Ahhh talaga! Kailan yan!?
Stepay: MALAMANG SA ELEKSYON!
Hahaha! Pwede talaga gawing sitcom ang Pamilya San Juan.
Nung isang araw, napansin ng officemate ko na parang pumapayat daw ako or sadyang maluwag lang daw ang pants ko. Napansin ko din yun, parang lagi akong hila ng hila pataas sa pantalon ko. Kaya kahit labag sa loob ko, bumili na ko ng pantalon. *swipes credit card*
Today was a good day dahil kahit papaano, nabakante yung utak ko mula sa salitang "Trabaho". Bukas, back to normal uli!
Kinakabahan na ko dahil ako ang magrerevise ng Powerpoint nung Dance show namin dati na apparently ay gagamitin para ibenta ang show sa ibang bansa. Hayyyy kahinaan ko pa naman ang powerpoint. Pero hingang malalim, kaya ko to! Minsan sa buhay kailangan ding matuto ng bagong skill. Hehe.
Lord salamat, matutulog ako na masaya kasi ang daming stars tonight. Nung mga nakaraang araw kasi parang wala, puro kadiliman! Hehe. Pero ngayon ang dami! Sana makapunta ako sa lugar na mas madami pa talagang stars! Yay! This May sana!
Goodnight :D




No comments:
Post a Comment