Pababa ako ng Ipost. Ayan na ang elevator pababa. Pagbukas, siksikan sa loob pero may isang natatanging nilalang na tila siya lang ang laman ng elevator tapos yung iba blangko ang mukha. Haha. Alam mo yung parang nag-glow siya tapos nagkatitigan kami hanggang magsara ang elevator.
Sasakay dapat ako kung hindi lang ako naconscious sa amoy longganisa kong jacket. Haha!
Note to self:
Laging magspray ng pabango.
At wag na magprito ng longganisa.
Di ko ineexpect na magkikita pa uli kami sa susunod pero kahit papaano, kilig ako today :) Thank You, Stranger.
Gusto kong gawing goal tuloy na may mapapasaya din akong Stranger kada araw no. Yung hindi naman niya kailangang kiligin din. Yung dahil lang sa random na goodmorning or ngiti or simpleng act of kindness or pagpapasalamat. Mga ganun. Parang kanina:
Me: Kuya, kanina ka pa nakatayo, Upo ka naman.
Guard: Inaantok kasi ako ma'am pag nakaupo e.
Me: hehe ganun ba. Sige bye Kuya!
Guard: ano pong pangalan niyo ma'am?
Me: Camille po.
Guard: Bye Ma'am Camille. Salamat po.
Ang problema, may biglang tumawag kaya hindi ko na natanong ang pangalan ni Kuya.
Hindi ko alam bakit pero ang saya saya ko today. Siguro kasi tinanim ko sa utak ko na may surprise sakin si Lord sa mga susunod na araw. If I claim it, then it will happen. So push!!! :D
No comments:
Post a Comment