Siguro kasi sobrang miss ko si Mama. Si Mama kasi yung taong wala man akong sabihin, alam niya kapag may problema ako. Noong mga panahon na hindi na okay ang relationship ko, siya pa unang nakapansin kaysa sa akin. At may mga advice siya na masakit man, sa huli tama naman siya and I had to learn it the hard way dahil minsan matigas ang ulo natin.
Gusto ko yung pinalaki niya ko in such a way na hindi ako takot magkwento sa kaniya ng lahat ng pinagdadaanan ko. Sana if ever I do become a mom in the future, ganun din ang relationship namin ng baby ko.
And speaking of baby, I brought mine sa office kanina!
Sobrang in love na ko sa camera na ito. :)
Kuha lang ako ng kuha ng pictures kanina.
Ang hindi pinagusapang terno outfit with my fellow Kitchen Lover, Ken!
Noong nagaayos ako ng prompter, nakatayo lang siya sa likod ko the entire time. "Picture tayo!" Ang cute ni Ronnie! Sana maging ganito ka pogi ang anak kong lalaki hahaha!
Tinamad akong magedit kanina kaya sumama na lang ako sa officemates ko. Napadaan kami sa labas ng UST. Biglang nagflashback sakin yung moments na naglalakad ako doon suot ang AB Uniform. Yung nagtatampisaw sa ulan, yung nakaupo lang sa Quadri hanggang sa palayasin na kami ng guard. Ang dami eh! Naisip ko, never pa akong umupo sa Lover's Lane kasama ang isang tunay na lover. Siguro yan ang goal ko next time. Umupo sa Lover's Lane with a lover. Whatta goal. Hahaha!
Alam mo yung feeling na gusto mo na lang tapusin yung araw. Gagawin lahat ng kailangan tapos Inaantay mo na lang na lumipas yung oras, matutulog ka and then it's a brand new day! Tapos ganun uli gagawin mo the next day.
Hindi ako ganito dati e. May kulang. Still hoping for this year to finally turn out right. Patience is a virtue.






No comments:
Post a Comment