Noong Tuesday ng gabi, nagulat ako sa napakadaming unread messages ko sa facebook. Apparently muling nagingay ang mga katrainee ko dahil surprisingly, silang tatlo ay sabay sabay na nagkagusto sa kaibigan kong si Mat after nilang makita ang post ko sa facebook.
Wala ako sa mood noon tumawa pero napatawa talaga nila ko sa namumuong kompetisyon.
Ces: "Pero kayong dalawa, ayaw niyong ituloy yung naudlot niyong love story?"
Me: "Matagal na yun. Nagbago na kami. Matagal ko nang binaon sa hukay yung nangyari samin"
Gab: "Siguraduhin mo lang dahil ikaw ang ibabaon ko sa hukay!"
Riot talaga yung paguusap namin na yun hanggang madaling araw. Ngayon ko lang sila nakitang ganiyan ka "interesado" sa iisang tao. Hahaha siguro kasi may scarcity ng "males" sa office!
Sa next get together namin, isasama ko nga siya. Tignan ko kung gaano ka awkward or kasaya ang gabing iyon for them hahaha!
---------------------------
After ng live, nagkaroon ng meeting ang creatives sa Isaw Haus. Jusko Lord, pitching pala iyon ng segments! Hindi naman ako prepared. Pero may naisip ako bigla.
Me: May ipipitch ako na game segment. Parang gagambattle pero mga Goose tapos nag sasabong sila. Ang title "Palarong Pang Gansa!"
Ken: (Tawa ng Tawa sabay share kay Ate Alex)
Ate Alex: (Tawa ng tawa sabay) Direk! May ipipitch daw si Cams!
Me: (Namutla)
Alex: (Kinuwento kay Direk ang concept)
Direk: Sige gusto ko yan, i-dry run mo yan bukas ha. Kapag wala na kaming lahat (sabay tawa)
Infairness masarap sa kainan ni Direk. I think kaya kong kumain ng 5 isaw. Dadalhin ko doon for sure ang mga kaibigan ko. Heavenly din ang Sinigang. Shucks, namiss ko bigla!
Habang naglalakad ang writers pabalik ng office, kausap ko si Matt. Nagiisip kami ng Monickers para sa contender niya.
Matt: Isa siyang anak na nagtatrabaho.
Me: Trabaha-daughter!
Matt: Bokalista lang siya. Anakista?
Both: (Tawanan)
Hindi ko alam pero tuwang tuwa ako kapag napapatawa namin si Matt. Mahirap kasi siya minsan patawanin pero pag kami kami, parang ang dali lang. Minsan gusto kong magpadasal kay Matt pero iniisip ko kung ano ba. Nahihiya kasi ako pero kapag siya daw ang nagdasal, nagkakatotoo or may nangyayari.
Gusto ko din sana umabot yung friendship namin na nagkukwentuhan na kami tungkol sa problema kasi tingin ko, siya yung tipo ng taong madaming maiaadvice sakin kahit na mas matanda pa ko sa kaniya.
Nung gabing iyon, narealize ko na namiss ko ang maglakad na may kasamang kaibigan. Hindi ko din nga ba alam kung bakit. Pero naenjoy ko ang lakad na iyong ng writers pabalik ng opisina. :)
Wala lang, ayoko lang na makalimutan yung gabing iyon. Masaya kaming 4 noon.
4:20AM na.
Antok, dalawin mo na ko.
No comments:
Post a Comment