Allan: I'm proud of you.
Me: Bakit?
Allan: Kasi ikaw lang yung bukod tanging sumunod sa sinasabi ng puso mo. At tignan mo, masaya ka na ngayon. Ako kasi pera ang iniisip ko eh.
Me: Kaya nga ang gawin mo habang hindi ka pa makaalis diyan, just pray na i guide ka kung saang kumpanya ka dapat lumipat. At Importante na masaya ka sa ginagawa mo.
I feel bad kasi naeexperience na nila yung naexperience kong pangmamaliit sa akin dati. Sana kayanin niyang tumagal dun til December ng hindi nadedepress.
Macoconsider ko itong pang ilang chance ko nang mabuhay. Ilang beses na kasi ako nagka near death experience at mayroon na naman kanina.
Kanina habang naglalakad papuntang office, may isang taxi na tila hindi yata ako nakita kahit na naka-floral outfit ako. Ang bilis ng takbo niya tapos dire-diretso siya kung saan ako naglalakad. Buti nakaiwas ako. Naisip ko, hindi ko pa talaga oras.
Pero what if mawala nga ako no? Ano kaya mararamdaman ng mga tao? Sino kaya yung mga iiyak ng sobra. Sino kaya yung pupunta dahil gusto lang makikain.
Gusto ko yung idea sa The Fault In Our Stars. Yung bago pa mamatay yung lalaki, narinig na niya yung Eulogy ng mga taong importante sa buhay niya. Kapag namatay ka kasi, doon lumalabas yung mga tunay na nararamdaman ng mga tao para sayo. Iniisip ko kung naririnig kaya nila yung mga sinasabi ng mga tao tungkol sa kanila bilang isang kaluluwa? Tsaka tunay kaya yung reincarnation? Wala lang.
Sana kapag dumating na yung oras ko, nagawa ko na lahat ng kailangan kong gawin.. Napasaya ko na lahat ng mga taong gusto kong mapasaya. Yun lang naman gusto ko.
Mag isa lang ako ngayon dito sa condo. Yung totoo, naeenjoy ko pag solo ko yung unit. Di ko kasi kailangan magalala kung ba dapat suot ko. Tahimik. And pwede ako magluto ng mataimtim. Nagcrave ako for Mac n Cheese kaya tadaaaah!
At ang masaya pa ay hindi ko kailangang hugasan agad ang pinaglutuan ko. Katamad e. Hehehe. Masarap naman siya pero next time gagawin kong mas cheesyyyyy.
Day 13. Masaya ako na kinausap niya uli ako. Salamat :)

No comments:
Post a Comment