Nagkita kami ni Mama kanina. Okay sana lakad namin kung hindi lang dahil sa surprise visitor ko na mas malala pa sa heartache ang feels na ibinibigay pero for one day lang naman. Napaaga tuloy ang uwi ko. Pero bago yun, nagkwentuhan kami ni Mama. Maliban sa kung anong nangyayari sakin.. napagusapan din namin yung about destiny, about fate..
Me: Ma, sabi kasi ng friend ko na si Matthew na hindi ka dapat magdasal ng exact na prayer pag dating sa love. Kumbaga you leave it all up to God. Na you pray to God na kung ano meant mangyari, basta nagtitiwala ka sa kaniya. Pero pwede ko kaya hilingin na ikasal ako by the age of 30?
Mama: Hindi naman pero sa dulo, kung ano pa rin naman ang gusto ni Lord para sayo, yun ang mangyayari.
Me: Eh bakit ganun, may mga matandang dalaga? Destiny ba nila yun kung sabi nila na may isang taong meant or nakalaan para sayo?
Mama: Oo destiny nila yun pero may iba naman siguro silang naachieve in life kahit na ganun sila.
Me: Infairness, somehow.. Namimiss ko na umalis kasama ang taong sobrang saya ka kapag kasama mo siya. Yung tipong ayaw mo na umuwi or matapos yung araw.
Mama: So hindi ka masaya na kasama ako ganon?
Me: Hindi yun! Ibig sabihin ko nakakamiss makipag date. 8 months na din pala no.
Mama: Cool ka lang. Darating din yan.
Ang sarap ng food namin. I think babalik ako doon for the cookies and then dadalin ko ang mga kaibigan ko for some "How I Met Your Mother" kind of night.
Day 12, nagusap uli kami. Hindi ko alam kung natataon ba ang mga senyales na hinihingi ko pero nung nagdasal ako bago matulog asking for a sign kung dapat bang kalimutan ko na lang or may plan siya so I should just chill.. Pag gising ko may message siya sakin.
Sana lang tama yung interpretation ko. Masaya akong nakausap ko siya. Namiss ko yun eh. Sobra. Pero nakakalungkot na wala talaga kaming magawa. So iniwasan ko na lang yung topic tungkol sa mga plano nila etc. Alam ko na naman din kasi kung ano ang isasagot sakin eh. Di ko na muna uli gustong marinig pa. Nakakatakot din malaman baka may bago eh.
Nakipagkwentuhan nalang ako tungkol sa mga ibang bagay sa buhay. Yung mga nakakatawa lang, ganun. Ayoko masira yung maiksing span of time na masaya kaming dalawa.
Namimiss ko marinig yung tawa niya.
Namimiss ko yung makita siyang masaya lang, walang problema. Pero I guess kailangan pagdaanan to kasi ito yung mas magpapatatag sa pagkatao natin. Tapos masasabi mo sa sarili mo pag may bagong pagsubok na:
"I've been through hell so for sure I'll survive this one!"
Mga tipong english statements na ganiyan kasi mas palaban ka na! Hahaha!
Bukas Monday na.
Botohan na.
As usual wala pa rin akong silbi sa Archipelago na ito. Pramis magreregister na ko sa susunod. Patawad aking bayan.
Pero sana manalo na yung taong magdadala ng pagbabago. Yung Presidenteng mapapasakay uli ako sa MRT. Lol.
God bless our Country.
God bless my heart.
Hahaha!




No comments:
Post a Comment