Tuesday, May 10, 2016

Day 14

Nagising ako ng mga 9AM kanina pero nagawa kong humiga habang nakatingin sa kawalan ng mga isang oras. Tapos naalala ko yung sandwich na gusto kong gawin nung isang araw pa. Yun yung lagi kong binibili noong Highschool ako. Cheese toast siya na pagkagat mo, tunaw yung keso tapos matamis siya dahil sa asukal at cinnamon. Laging may nakalaan akong pera para doon. So nag attempt ako gamit ang aking panini maker. Infairness sa panini lines huh. Mukhang mapapadalas akong gumawa ng sandwich dahil diyan.


Usually kapag nagpprompter ako, kumakalam na ang tiyan ko dahil after ng show pa ko nakakain pero yehey for this sandwich! Nanunumbalik ang childhood memories!

Habang nagaayos ako ng spiels, isang nakakakilig na halik sa pisngi ang naexperience ko kanina. Usually sanay ako na iniignore lang ng mga dumadaang tao pero kanina, may tumapik ng balikat ko at sabay dampi ng labi sa aking freshly oil filmed cheek. Haha! Ang peg ko pala pag nagkaroon ako ng baby boy iyon. Nagulat akoooo. Hihi. Bwiset ang arte. 

Matapos ang show, pumunta ako ng bangko para magdeposit dahil sweldo day is deposit agad agad day! Nakasalubong ko ang sisterhood!


Me: Uy! Anong ginagawa niyo dito!?
Cara: Magiissue ng resibo! Nagawa mo na ba yung iyo?
Me: Hindi pa. Kailangan ba talaga?
Ces: Oo! Kasi mawawalan daw tayo ng trabaho kapag hindi!

Akalain mo nga naman. Minsan may mga taong darating sa buhay natin para isave tayo sa kapahamakan tulad ng pagkawala ng trabaho. Hehe. Kahit na nakakatamad, sige na gagawa na ako ng resibo.

Matapos ang kahihiyan na nangyari sa akin sa GA kanina, Umakyat ako para i-edit ang powerpoint presentation ng paborito kong show. Ang show na malapit sa puso ko. Naks! Doon ko narealize na kulang na ako sa ingles. Kailangan ko na yata talagang magbasa basa uli. Feeling ko kalait lait yung ginawa ko. Hahaha! 

Habang nasestress sa pag eedit, nilapitan ako ng EP ko na si Ms. Rose. 

MR: Camilla, Kaya mo pa bang mag-isang show?
Me: Ano pong show?
MR: Sa (mentions name of show)
Me: 8 weeks lang naman po yan no? Magpapaalam po muna ako. Pero baka kaya naman po.
MR: Sige pero babalikan din kita. Alam ko kasi kailangan ng isa pang writer.

Minsan hindi ko alam kung ano ba ang ginagawa ko para mabigyan ng chance na makuha sa kung saan saang show pero thankful ako. Hindi ko alam kung babalikan pa nga ba talaga ako at kukunin pa ba ko. 

Lord, alam niyo na. Kayo na po ang bahala kung may tiwala kayo sa powers ko bilang writer! Matutuwa ang savings account ko if ever man kunin nga ako.

Kanina, nalaman kong engaged na yung isang officemate ko. Kilig na kilig ako para sa kaniya kahit na yung totoo hindi kami close. Iba kasi talaga ang nagagawa ng pagibig! Kaya niyang pagsamahan kahit sino pa (ano daw! Hahaha) Iniisip ko tuloy paano kung dumating na din yung moment na yun sa buhay ko. Ay nako iyak siguro ako ng iyak habang tumatawa. Ika nga ng boss ko dati, iyak ng baliw. Hahaha! Pero seryoso, ang saya ko para sa kaniya. Hayyy :) 

Rest day ko tomorrow. Supposedly aalis kaming tatlo ni Erjan and Mat papuntang Hidalgo pero di na pwede si Erjan so kaming dalawa na lang ni Mat. 

Kinakabahan ako kasi feeling ko wala naman akong masasabi sa kaniya. Medyo matagal na din kasi kaming di nagusap simula nung nawala siya and may sakit ako na hirap makipag usap sa mga taong matagal ko nang di nakasama or nakakwentuhan. Parang feeling ko wala na yung similarities namin dati. Ewan, praning.

Gumawa ako ng excuse para hindi pumunta pero sabi ko baka pwede pa din ako kung wala ng "Meeting". Hahaha! Ang labo diba. Pero chance ko na yun para mas mapagaralan pa ang special powers ng camera ko. Tuturuan daw niya kasi niya ako magshoot gamit ang manual settings Kaya hmmm.. Di ko pa din alam. Depende yan sa mood ko mamaya! Hehe. Pero kailangan ko ng panibagong lugar dahil medyo umay na ko sa loob ng studio so... Depende yan sa init ng panahon. Hahaha!

Ang daming kailangang gawin kanina pero thankful ako na isa isa ko itong natapos. Masakit man sa ulo pero kinaya naman! Basta gugustuhin :)


Pwede akong magpuyat! Yahoooo! Ebe and Johnoy, damayan niyo ko sa paggawa ng wala. 

No comments: