Yung unang beses ko yata was 2 years ago bilang isang writer. Favorite ko siya sa lahat ng mga naging raket ko dahil unang una, puro tungkol sa pag ibig ang kabuuan ng event na ito at pangalawa, napaka talented ng mga composers na sumasali.
Nagustuhan ko yung pagiging writer kasi may chance kami na i-trim yung buong interview at ayusin siya in such a way na parang "Ugh! Tagos sa Puso!" Yung buong VTR.
This year, Prompter Operator ako. Ang gaganda ng songs this year at may natutunan ako sa bawat linyang binitawan ng mga composers.
Pinaka tumatak sakin ay yung sa VTR ng Composer ng "Bibitawan Ka" na si Hazel Faith Dela Cruz
"There is love in Letting Go. Kung mahal mo ang isang tao, you do what's right for them"
Ayoko na siyang i-explain. Tamad ako magexplain. Hahaha!
Pero paborito ko yung songs na 'to:
1. Ambon
2. Mananatili
3. Nyebe
4. Monumento
5. Bibitawan Ka
6. Dalawang Letra
7. Laban Pa
8. Tama Lang
Nakakatawa kasi hindi gumagana yung prompter nung araw na yun. Kaya muntik nang ito ang maging prompter ko.
Projector, Baby! Haha! Kung hindi pa yan mabasa ng mga hosts, ewan ko nalang ha! But good thing ay nagawan ng paraan at back to normal kami.
Partner in crime ko nung araw na yun si Kuya Pao. Matagal tagal ko na kasi siyang di nakakakwentuhan. At noong araw na yun, nag catch up kami. Sinagot niya lahat ng tanong ko tungkol sa buhay niya lately. Happy ako with our conversation kasi naging honest siya sa akin at happy din ako na hindi siya nagkuripot at nilibre ako. Di namin namalayan na 2 oras na pala ang nakalipas at pinapatakbo na kami pabalik ng theater dahil rehearsal na. Hihi sorry.
Nakasama ko din uli ang dalawang una kong naging kaibigan sa Abscbn: Ces and Cara. Favorite namin yung magkikita kita kami tapos kaniya kaniya kami ng kinukwentong "Bubog" tungkol sa trabaho. Gusto ko kasi na yung outlet ko ay hindi ko kasamahan sa work.
At ang aking hero ng gabing iyon ng wala akong masakyan na taxi.. Bigla bigla nalang tumitigil sa harap ko at isinakay ako. Mahal na mahal ko tong si Ate Mabeth pero mas mahal ko ang alaga niyang si Coach Bamboo. Chos!
Overall, it was a goo-oood night.
Wala mang pahinga this weekend, I still spent mine doing something productive and fun at the same time so pwede na din. Bawi nalang next weekend. Gusto ko pumunta somewhere na namiss ko ng sobra. :)





No comments:
Post a Comment