Wednesday, March 16, 2016

Yes to happiness!

"Kami Na"

Yan ang unang bumungad sakin noong chineck ko ang group chat namin ng mga kaibigan ko. Naisip ko, ang bilis ha! Para maging kayo after a month? 

Biglang naalala ko yung isang buong taon na lugmok siya sa kalungkutan dahil hindi siya mapanindigan ng taong gusto niya at gusto siya pero walang sila. Hindi siya maipaglaban for some unknown reason.

Ang lungkot lungkot niya nun. Nakikinig lang ng mga emo ng kanta sa likod ng kotse. Kapag nasa isang lugar kami, bigla siya tatahimik at pipikit lang. Tweet ng tweet ng mga dramatic tweets na minsan gusto ko siyang pigilan pero hinayaan ko na lang kasi kailangan niyang i-express ang kalungkutan niya.

Pero ngayon, iba ang aura niya. Masaya siya. Masayang masaya. So naisip ko kahit mabilis na naging sila, ayos lang naman. Ganun naman yata talaga e, in love sila eh! Deserve niya maging masaya matapos ang napakatagal na kalungkutan. And I couldnt be happier for my friend. :)

No comments: