Wednesday, March 16, 2016

When the going gets tough...

Ang bawat tao may iba't ibang paraan para mag cope sa nararamdaman nilang kalungkutan.

May pumaparty.
May nagpapakamatay. (Pero pls wag)
May lumalayo.
May kain ng kain ng ice cream.

At meron namang dinadaan sa pagluluto. Kaya tonight, gumawa ako ng Truffle Cream Pasta :)



Infairness dapat nilagyan ko ng paminta. Hahaha! Napaka mahal ng truffle oil kaya buti nalang mahilig magluto ang headwriter ko slash neighbor at binigyan ako. Na isosoli ko na din tonight at baka maubos ko. 

Natatawa ako kasi may nadiscover ako. Na ang chismis ay parang pass the message. Sa bawat tao na kinukwentuhan, nadadagdagan ito ng nadadagdagan. Hanggang pag dating na ng dulo, iba na ang kwento na nabuo.

Sabi nga "None of us know what might happen even the next minute, yet we still go forward. Because we trust. Because we have faith"

At naniniwala ako na sa mga susunod na araw, magiging okay din ang lahat na parang walang nangyari.

Ilang araw na lang, bakasyon na.
Gusto ko mag baguio.
Miss ko na ang strawberry taho.


No comments: