Masaya ako na araw araw akong gumigising pero alam mo yung ang init tapos magiisip ka kung ano mga gagawin mo that day. Saan ka kakain. Hahaha laki ng problema!
Mas komportable ako kapag gabi.
Kasi kapag madilim na, naeenjoy ko na makita yung buwan. Yung stars. Lalo pa at kakalipat ko lang dito sa condo, may area ako na paborito kong puntahan. Yung kahit alam kong bawal na doon ng lagpas 10pm, pumupunta pa rin ako doon para lang tumitig sa kalawakan.
Kinoconvince ko pa yung sarili ko na bumili nung gusto kong camera at sakto nagmessage sa akin si PJ para mangamusta after how many months.
Kaya sinabi ko sa kaniya turuan ako kung paano makukunan ng maayos ang buwan at ang mga bituin dahil siya lang ang nakakaalam kung paano gawin yun. Pero sana may pambili muna ko nung camera diba? Hehe.
Ngayon, malapit na kong matulog. At kita dito sa bintana ang buwan. Masarap yung pakiramdam na parang kinakausap ko yung buwan bago ako matulog. Tinititigan ko siya at binubulong ko sa kanya lahat bago ako matulog.
Nakakagaan siya talaga ng loob.
Ang bigat bigat kasi ng pakiramdam ko lately. Hindi ko alam kung dahil ba ang dami ko daw lamig sa likod. Or sadyang nagpatong patong kasi lahat ng mga negatibong sitwasyon.
Ah basta, buti andyan si Mr. Moon.
Goodnight, ha? :)

No comments:
Post a Comment