Minsan bigla na lang akong mapapaisip na, "Talaga ba?"
Alam mo yung pakiramdam na gusto mo naman talagang ipaglaban or gusto mong gumawa ng paraan pero di naman pwede at ang tanging magagawa mo lang talaga ay maghintay. Ganun naman yata talaga kapag tunay kang naniniwala sa posibilidad ng imagination na gusto mong maging realidad.
Napaisip ako bigla kasi kanina nagkukwento yung officemate ko tungkol sa soulmate niya. Ilang beses ko nang narinig yung kwento na yun pero laging natutunaw yung puso ko kapag kinukwento niya uli.
Tapos sabayan mo pa ng mga kanta na pinapatugtog ng Pancake House na "On the wings of Love" pati "Your Love"
Ano toooooo.
Yung mata ko.
*sniff sniff*
Naluluha ako pero di ko pinahalata. Although yung katabi kong kaopisina napansin yata kasi nung nag joke siya, hindi ako tumingin sa kanya.
Nakakalungkot kasi sabi nga nila, Hindi lahat ng gusto mo, pwede mong makuha.
Either di mo siya makuha sa ngayon or hindi mo makuha at all kasi ang ibibigay sayo ay yung kailangan mo. Gusto ko man ipagdasal na sana matupad yung gusto ko, all I can do is wait and pray na malaman ko na lang yung tunay na purpose ng mga happenings na ito in life.
Nakakabaliw man pero sa huli, I am sure it's all worth it.
No comments:
Post a Comment