Monday, March 07, 2016

What made me you smile today?

Dahil delayed ang flight. At dahil kailangan ko ng happy thoughts, ilista na yan!

1. Nakapag out of town ako uli. Medyo nakakasawa na din kasi sa loob lang ng studio. Nakakamiss din sumakay ng eroplano.

2. Daily Bisita. Infairness, napapadalas ang pagbisita at pag-hello/panggugulat niya sa prompter area ng walang dahilan. Alam kong bilang kaibigan lang yun pero still, A for effort. 

3. Perfect Crinkle recipe. Dahil OC ako sa baking, eureka! Finally nahanap ko na yung recipe para manatiling moist ang crinkles even after 3 days!

4. Mga bagong kaibigan. Medyo nakakasundo ko na yung mga bago kong kasamahan. Meron na kong nakakakwentuhan at nasasabihan ng mga jokes. May isang beses na nagkamali ako sa prompter pero natawa lang sakin yung isang boss namin imbes na pagalitan ako. Sana tuloy tuloy na to.

5. Bacolod. Ayoko maudlot pero assigned ako sa Bacolod Audition Caravan. Excited na ko bisitahin ang mga nakikita ko lang sa photos na cake shops kumain ng madaming cakes!

6. Weight loss. Ang babaw pero masaya ako na ang gaan na ng pakiramdam ko. Maluwag nga lang ang mga pantalon ko pero ayos lang. Salamat sa mga tinuro sa akin na exercise ng mga kaopisina. 

7. Nakasama ko uli ang papa ko. Matagal ko nang hindi nakasama ang tatay ko kaya masaya ko na at least nakapag bonding kami kahit sandali lang. At nakapagkwentuhan kami! Bihira kasi yun lalo na pag di siya lasing. Hehe. Nahihiya kasi si Papa sakin. 

8. Answered prayer. At least nalaman ko kung ano nga ba ang halaga ko. Mabuti nang malinaw. Sabi nga nila, actions speak louder than words. Lesson learned kaya Day 1 na uli.

9. Kusinera. Naeenjoy ko na talaga magluto. Dati kasi tamad na tamad ako. Kaya ngayon, thankful ako na nakadiskubre ako ng bagong hilig. 

10. Mababait na staff. Napapansin ko lang na bawat staff na madaanan ko.. Mapa-guard, janitor, butler etc ay walang kupas na naghehello at ngumingiti sakin. Syempre dapat pantayan ang kasiyahan nila. Di ko man alam ang pangalan nilang lahat pero masaya ko. Binubuo nila ang araw ko :)

Yung totoo, anong oras ba talaga kami makakauwi? 

No comments: