Kanina, gusto ko yung feeling na kahit ang ingay ingay ng mga tao, tulala lang ako sa kalawakan na walang iniisip. Lalo pa at nasa rooftop kami, ang ganda ganda ng view.
Pink yung sky na kitang kita yung stars. Kung may go pro lang ako, nakunan ko na yun ng litrato :)
Binasag ng kaibigan ko yung katahimikan ko nung may kinuwento siya sa akin. Kilig na kilig siya para sakin dahil matagal na niyang tinago yung kwento na yun. Gusto daw niya sana ikwento kapag tama na ang timing pero di niya mapigilan. Natatawa ako. Kaya naman pala.
Pero pagkatapos nun, bumalik ako sa pagiging tulala. Iniisip ko kung ano kaya ang mangyayari bukas. At sa mga susunod na araw. Ano ba mga gusto kong gawin kasi naalala ko wala pa kong to do list for this year.
Ano nga ba ang mga gusto kong gawin this year?
- Mag travel?
- Maka ipon?
Medyo wala pa ko sa huwisyo. I shall return.
No comments:
Post a Comment