Sunday, March 20, 2016

Life Goals 2016

Nainspire akong gumawa ng list ng Life Goals ko this year dahil sa poem na ito..


Now I'm not sure kung tunay nga yan na poem ni Pablo Neruda.. Ang sumulat ng linyang "Love is short. Forgetting is so long". Wasak na wasak yung puso ko noong narinig ko na nirerecite ng prof ko yung "Tonight I can write the saddest lines" dahil I can relate.

Anyway, this year babawi ako. Hindi kasi ako ganung ka-impressed sa ginawa ko last year. So lesson learned, let's make this year a memorable one!

1. Travel.. Alone (and with a friend)

Isa talaga sa pinaka takot akong gawin ay yung magtravel mag isa dahil jusko leeerd baka di na ko makauwi. Pero sabi nga nung isang kaibigan ng backpacker friend ko, may mga bagay kang magagawa kapag mag isa ka na bumabyahe na limitado kang gawin kapag may kasama ka. So yes, I shall face my fears and travel alone. Ramdam kong soon 'to! Sa bakasyon! 

Pero kapag with friends, gusto ko lang somewhere na pwede kami mag bonfire. At magkwentuhan to the max! :) Pwede din mag roast ng marshmallows sa apoy. Matagal ko na din gusto pumunta ng Japan and New York so I think oras na para magipon!!


2. Read at least 2 books per month

May mga libro ako dito na gustong gustong hiramin ng kaibigan ko pero ayoko ipahiram.

"Hindi ka nga nagbabasa eh! 3 yrs na yung isang libro na yun pero di mo pa din tapos!"

K. Guilty. Siguro kaya medyo may kakulangan din ako sa alam na words ay dahil hindi ako nagbabasa. Naalala ko tuloy yung unang beses ko nagbasa ng "Archie". Doon ako natuto mag englush. Haha! So from now on, I shall read more books.


3. Learn how to swim and ride a bike

Narealize ko na I should face my fears. At baka maaaring magamit ko ang knowledge ko sa paglangoy at pagbibisikleta one day. 


4. Write a Short Story Script.

May isang taong biglang nagaya sakin na gumawa daw kami ng short film. Natuwa ako kasi naalala ko na matagal ko na nga palang gustong sumali sa Carlos Palanca Awards pero hanggang ngayon, hindi ko pa din lubos maisip kung ano ba topic ko. Kulang pa din ako sa inspiration pero syempre pagiisipan natin yan! Gusto ko talagang manalo kahit isang beses lang :)


5. To meet my soulmate and to believe in Love again

Ito naman nainspire ako doon sa isa kong officemate na sinulat niya ito at nakilala niya ang taong para sa kaniya. I like their love story.

Basta ako I wish to just be with the person I am meant to be with for the rest of our lives. Maaaring kilala ko na siya or makikilala pa lang. Pero I can't wait to spend the rest of my life with him. :) Patience lang. 


6. Make more friends! :)
And make time for the existing ones

Hindi ako yung taong madaling makibagay sa mga bagong kakilala. Heck, ni hindi ko alam ang sasabihin ko! Pero this year, Gusto kong dumami at maka interact pa ng iba't ibang tao. Masaya ko kasi dahil nasa bagong show ako, may mga bago din akong kakilala. At mas dadami pa dahil sa isa pang show!

As for my existing friends, may sakit kasi ako na kapag matagal ko nang hindi nakausap, hindi ko na alam kung paano uli sila kakausapin. Minsan hindi na bumabalik yung dating kakulitan or natural na way ng paguusap namin. Kaya  this year, I shall make sure na I meet them kahit once a month. Yes, all of them. 


7. Do something out of the box.

Gusto kong gumawa ng kabaliwan tapos tumawa ng tumawa pagkatapos. Something na alam kong hindi ko talaga normally ginagawa pero for the fun of it, gagawin ko once :) 


8. Apply for a Scholarship at CCA.

Matagal ko nang gustong magaral magluto sa isang culinary school. Wala lang oras. Pero this year, kukuha ako ng exam para malaman ko kung papasa ba ako :) 


9. Save up for my dream house

Masyado man malaki ang pangarap na 'to, di naman imposible :) So far naeenjoy ko ang condo living so what more kung nasa dream house na ako? Pang hanggang 2020 na 'to! Hehe


10. Change something in my weekly routine

Lately puro work work work lang ako. Tapos uwi. I think dapat may gawin akong something new every week. Or learn something new every week and then magsulat tungkol doon. Tama, Tama.

Siguro kung babalikan ko yung mga dati kong listahan, baka ito rin ang goals ko noon. Hahaha! 

So.. 2016, let's do this! :)


No comments: