Monday, February 29, 2016

Happy Monday Morning :)

Goodmorning! :)

At dahil rest day ko today at nagutom ako sa pagaayos ng bumagsak kong cabinet (hindi niya kinaya ang hamon ng mabibigat kong libro), tadaah! I made my old school favorite breakfast..



Cheesy Scrambled Eggs!

Noong bata ako, di ko talaga favorite ang scrambled eggs. Wala kasing lasa. Kahit lagyan mo pa ng napakaraming asin, ayoko. Haha! Malamang ang alat na nun! 

Pero si lola may dinagdag na special something para finally mahiligan ko ito. At yun ay.. madaming madaming cheese! 

Last na natikman ko yun ay nung buhay pa siya. Then nakalimutan ko na. Bigla ko na lang uli naalala yung niluluto niyang yun noong lumipat na ko at naging independent woman! Haha!

Naisip ko bigla si lola. Hindi niya kasi ako inabutan na nagdalaga.. Na nagkaroon ng problema.. Hindi na niya nawitness yung mga achievements ko sa school. Siya kasi yung todo review sakin para mataas ang grades ko at lagi akong may awards. Sayang nga lang hindi ako naging Cum Laude dahil sa pagpapariwara ko nung 1st yr pero sana proud pa rin siya sakin.

Iniisip ko tuloy.. Ano kaya ang mga maipapayo niya sakin kung sakaling nakakakwentuhan ko siya? Ano kaya yung mga insights niya tungkol sa mga ikukwento ko tungkol sa trabaho, sa love life, sa pamilya, sa sarili ko.. Never ko kasi siyang nakakwentuhan ng seryoso. Doon lang kami sa point na aral at laro.

Sayang. Sana minsan bisitahin niya uli ako sa panaginip tapos magkukwentuhan lang kami. I wonder kung nababasa niya yung mga sulat na hinuhulog ko every year doon sa parang locker na lalagyan ng abo niya? I hope so. Natatawa ako kasi tuwing susulat ako doon, imposibleng walang marka ng luha. Kaya may mga parts na nabubura.

Miss kita, Ma!
Gumawa ako ng version ko ng scrambled eggs dahil naalala kita.

2 eggs, 2 tbsp milk, pinch of salt and pepper tapos may paandar na rosemary dahil feeling ko cute siya sa picture hahaha! At maraming cheeeese! 

Gumawa rin pala ako ng favorite bread pudding ko pero ikaw pa rin ang the best sa paggawa nun. 


Next time gagawa ako ng vanilla sauce and caramel sauce na hindi tumitigas sa ref haha. 

Next time aaralin ko yung paborito kong luto mo ng hipon na may hilaw na mangga :) Mahal kita, Ma.

No comments: