Mayroon kaming isa at kalahating araw para magpahinga at gawin ang ano mang bagay na ikaliligaya namin.
Ang pinili ko? Magluto.
Nakahanap ako ng recipe nung isang araw. Buttermilk fried chicken! Parang ang sarap ng recipe ng marinade.
May milk, onion powder, garlic powder, paprika, pepper, dry mustard, onion, tarragon.. Mmmm. So ginawa ko siya kagabi, minarinade ko for about 15hrs.
So.. Pagkagising ko.
Nagdasal ako, nag muni muni, nakipagusap sa mga kaibigan kong heartbroken, nag edit, nagpaderma at dali daling umuwi dahil ang tanging iniisip ko ay finally, ipprito ko na ang aking chicken! Haha! Ang babaw diba.
So ginawa ko na yung breading:
Flour + Sinigang Mix. Naisip ko lang magexperiment kasi the last time na ginawa kong marinade yung sinigang mix, eh ang sarap!
Ayan na siya.
Then pinainit ko ng bongga yung cooking oil. Sabi 350 degrees daw dapat so gumamit pa ko ng candy thermometer. And theeen. Plok! Prito time! :)
Pero bakit ganun.. Wala pang ilang minuto nasunog na yung balat. Sad. Yung isang side okay, yung isang side sunog. Kaya dito sa picture, syempre yung okay na side ang papakita ko.
Nagluto din ako ng fried rice. Na madaming madaming bawang. Nalulungkot lang ako kasi fail yung manok. Although ginawang sobrang tender and malasa yung meat sa loob thanks to the marinade.
Hindi ko alam kung paano gagawin ko next time pero may 3 drumsticks pa ko dito. Try and try until you fry.
That is all.



No comments:
Post a Comment