Mark: Nasaan ka?
Me: Kakauwi ko lang.
Mark: Alis tayo.
Me: Okay, ayusin ko lang labada ko. 10 minutes.
Mark: Sige, daanan ka namin.
Halatang ayaw pang matulog. Pero worth it naman ang pagpupuyat at pagiikot namin dahil nahanap ko ang aking bagong happy place. Sobrang saya kasi nakita namin ang moon at nagpapagandahan pa kami ng shot sa camera..
Iba yung feeling pag nakita mo at nasilip mo mismo ang buwan. Hindi madescribe. Basta gusto kong bumalik uli. Para kasing ang payapa doon sa lugar na yun. Madaming stars, tahimik and siguro kasi kaibigan ko yung mga kasama ko.
Sa susunod magdadala kami ng mat, hihiga sa ilalim ng kalawakan at ilalabas lahat ng saloobin namin na hindi pa namin naikukwento sa isa't isa.
Masaya ako kasi after a year ko sa abscbn na walang grupo, nakilala ko sila. Medyo baliw, may sayad, may topak.. Pero mapagkakatiwalaan :)
Gusto ko sana sa susunod ganito kadaming stars ang makita ko. Pinadala lang yan sa akin ng kaibigan ko nung nasa Canada pa siya. Walang katumbas ang moment na yan pag nangyari man :)
Balang araw...


No comments:
Post a Comment