FYI. It took me 4 hours to cook that thing. Including the correction of mistakes.
At speaking of pagtatama ng mga mali, itong taon na ito ang perfect time para gawing tama ang lahat ng mga bagay na alam nating nagbigay sa atin ng matinding leksyon.
Lumapit si mama habang nagluluto ako
Ma: Anong nararamdaman mo ngayon?
Me: Ayos lang. Malungkot.
Hindi ko alam bakit bigla kong sinabi yun. Siguro kasi ito yung unang new year after 4 years na hindi ko na uli siya kasama. Na mag-isa lang ako sa bahay (syempre kasama ko ang lolo at mama ko).
Walang mahigpit na yakap.
Walang New Year's Kiss.
Walang "Happy new year tita cams" mula sa mga cute niyang pamangkin.
Wala ding fireworks at photo op.
Akala ko okay lang ako. Pero sa mga panahong to na sobrang special sa amin, narerealize ko na namimiss ko siya.
It doesnt mean na nireregret ko ang decision ko. Kasi alam ko na para naman yun sa amin. Pero wala lang, siguro after almost 5 years ng pagkakaroon ng partner.. Solo flight uli ako. Namimiss ko lang yung feeling na may kasangga ka at alam mong kahit anong mangyari, yung other half mo andiyan lagi para sayo at ikaw din sa kaniya.
But what the heck! Dapat maging masaya kasi nga kahit na may mga negative na pangyayari last year, mas madami namang blessings ang dumating.
1. Show, shows and more shows
Sabi ng Derma ko.. O anong nangyari sa balat mo? Sabi ko times 3 po kasi ang stress kaya times 3 din ang acne.
Pero wala akong reklamo. Masaya ako dahil may boss ako na naniniwala sa kakayahan ko at sinasama ako lagi sa mga show niyang bago.
Sinong magaakala na isang taong tulad ko ang magiging "creator and developer" para sa isang Original na Reality Show. Never in my life na naisip kong magiging ganun ako at ni minsan di ko naisip na malalagay sa OBB ang pangalan ko (kahit panandalian lang)
Minsan kulang sa tulog. Minsan may mga nakakabangga, nakakatampuhan. Pero all is good at the end of the day. Masaya ko kasi never akong nabakante at nakakaipon ako para sa future.
2. Cooked by Camsywamsy
Itong taon na ito, naovercome ko ang isang bagay na kinakatamaran kong gawin. At yan ay ang pagluluto. Excited na ko magpractice pa dahil isa itong training para sa aking pagiging future misis at mama. Pero syempre sa ngayon ginagawa ko siya para hindi magutom, right?
3. Biyahe dito, Biyahe doon
This year, naexperience ko din na pumunta sa kung saan saang lupalop ng Pinas. Syempre para siya sa work, pero masaya ako kasi I get to Travel for free! Hindi ko man talag naeexperience yung tunay na kultura or pinaka the best of the best sa mga lugar na iyon, pero pag may Chance at extra M.A, somehow nagagawan ng paraan na isingit ang pagsasaya matapos ang isang buong araw ng trabaho.
Bacolod at Bohol naman next time, please? :)
4. Health is Wealth
Masaya ko na malusog at walang sakit ang pamilya ko. Ganun din siguro yung pamilya ko sa Quezon City na isang taon ko nang di nakakasama. Masaya ko na magaling na si Papa at si Lolo. At na okay na din si mama.
5. Friends who remain close to you as they were way back nene days.
May mga nagbago man sa mga hilig namin or preferences in life, nag-tone down man ang kahyperan namin.. Minsan, or madalas rather, baliw pa din kami.
At para sa mga kaibigan na akala mo ay wala na sa orbit mo ngunit nandiyan pa rin pala. Nabawasan man ang kalokohan at pagpupuyat habang naglalakad papunta kung saan saan, andiyan pa rin sila para iremind sakin lahat ng mga pangaasar nila noong Highschool.
6. Unexpected Surprises
:)
Marami pa kong dapat ipagpasalamat. Kaya Lord, muli.... #ThankYouForTheLove
Alam kong tulungan tayo this 2016! :)







No comments:
Post a Comment