Friday, January 01, 2016

And I quote...

Bago kami maghiwalay ni PJ, nung gabing iyon sabi niya ipangako ko daw sa kaniya na kapag magmamahal ako uli eh siguraduhin ko daw na lahat lahat ng ginawa niya para sa akin ay gagawin din ng taong yun.

Gustuhin ko man i-enumerate, sabihin na lang natin na parang my sassy girl na listahan yung mga kondisyon niya. Naging mabuti siyang partner kaya sabi ko, sige. 

Pero ngayon, matapos ko manood ng "That Thing Called Tadhana", may tumama sakin na quote mula kay F. Scott Fitzgerald.

"There are all kinds of love in this world. But never the same love twice"

So naisip ko, hindi naman necessary na dapat tapatan yung paano niya ko minahal. Siguro dapat hayaan na lang yung taong yun na mahalin ka kung papaano siya as a person.. Pero ang importante doon ay ibigay yung pagmamahal na deserve mo. Hindi kailangan eksakto tulad nung dati.. Pero dapat tapat at totoo :)

Sa bagay, may iba ibang diskarte ang mga tao pag dating sa pagibig diba? Hindi lahat ng tao eh pareho. 
 
Infairness may maganda akong natutunan sa araw na 'to :) 

No comments: