Wednesday, December 23, 2015

Sana ngayong Pasko....

It's almost my birthday! At habang stuck sa airport, bigla kong inisip kung ano ba talaga ang gusto ko sa Pasko.

Maliban sa Kitchen Torch, parang wala na kong maisip na ibang materyal na bagay. Kasi ang gusto ko lang talaga ay maging masaya, maging mapayapa ang isip at maging tama.

Medyo magulo kasi itong taon na 'to. Madami masyadong pangyayari. Pero dahil doon, mas madami naman akong natutunan. Marami akong realizations na hindi ko maiisip kung hindi ko mararanasan yung mga masasaklap na bagay. So i guess ok lang naman pala.

May mga masasaya din na moments.. Marami akong nakilala. Marami akong napuntahan. Pero simula noong October, parang nawalan na ko ng gana iupdate yung planner ko. Usually kasi excited akong magdidikit ng mga pictures at magdecorate ng bawat pahina. Ayon. The drive to narrate my daily adventures got lost somewhere. Chos. 

Buti nalang yung 2016 planner ko dumating na. Excited na kong simulan siya at punuin ng mas maraming masasayang memories. Alam kong mas maganda ang dala ni 2016. I claim it. Nakakabaliw kasi kung mas malala diba so gustuhin na natin at pangunahan na natin siya! Hehe. 

Nakakatawa yung pakiramdam na akala mo alam mo na yung ginagawa mo kasi matanda ka na. May isip ka na. Pero isang message lang ng Ninong ko, biglang napaisip ako. Haha! May point siya. Kailangan sundin ko yun. Dapat maging goal ko yun. Na kung huwag palitan, higitan. Copy that! 

Pakidagdag na nga rin po pala sa listahan ang true love. Dahil ika nga ng aming station ID, Thank You for the Love. 

No comments: