Wednesday, May 06, 2026

Kanina habang nasa rehearsal ng isang concert, lumapit sa akin yung staff ng isa sa artists doon. 

Staff: "Alam mo, blooming ka! Anong ginawa mo?"

Me: "Ha? Baka po dahil sa make up? Haha!"

Staff: "Hindi! Nung nakita kita kanina, sabi ko may something ka kasi blooming ka!"

Nagulat ako kasi we don't really talk! As in ngitian lang kami before pero talagang kinausap niya ko kanina para sabihin yun. Touched ako kasi may naka-appreciate at nakapansin ng something na di ko naman napapansin sa sarili ko. Haha! Napa-happy niya ko. Salamat!

So, I've been doing this thing every morning. Yung pagkagising pa lang, you pray for something na gusto mong mangyari. Hindi ka muna magtetelepono. Pagkadilat mo, dasal agad. Kasi malakas daw ang manifestation frequency/energy mo pagkagising. So far, maligaya ako kasi natupad yung prayers ko for the past few days. At isa na dun ay tong raket ko sa concert.

Balik prompter operator po tayo dahil kailangan ko ng extra income. Masaya siya kasi ang dami kong nakakahalubilo na staff and celebs. Kumakanta lang rin ako habang nagpapaandar ng lyrics nila. Work slash audience. Haha! Namiss ko 'to actually. Hoping the concert would be a successful one! Kasi rehearsals palang, ang saya na!

Thank you, Lord for all the blessings and for sending people to make me smile today.


No comments: