Sunday, April 05, 2026

Thanks for the memz...

I attended a screenwriting Q&A session with sir Ricky Lee last month at isa sa mga sinabi niyang tumatak sakin ay "Train yourself to have a good memory".

As a taong malilimutin lately na feeling ko epekto ng tatlong beses na pagkakaroon ng Covid, I try to keep  mementos as much as possible. Lalo na noong nawala na is Mama, lagi kong iniisip na sana mas madami pa kaming pictures at videos together. Madami naman kami sa phone pero parang kulang? Alam mo yun.

Kaya lahat ng small victories, special moments with people at kung anu-ano pang nagpasaya sa akin, pino-post ko as IG story at sinasama ko sa highlights kasi masaya siyang balikan. I take lots of photos using my fave cameras. I create reels of our travels and different life experiences. 

I also keep screenshots of important convos / messages. Active na rin ako sa twitter uli kasi tawang-tawa ko sa lumang tweets ko na kung anu-ano na lang ang pinagsasasabi. Even here sa blog, I want to train myself to write all sorts of thoughts and musings daily. Ayoko kasing makalimot ng mga masasayang memories. Lalo pa't parang ang bilis ng panahon at ang daming nangyayari. Gulat ako, parang lumipas lang yung March! 2nd week of April na bukas!

Kahit sa mga kailangan kong gawin araw-araw, naka-lista siya para di ko makalimutan. Na sabi ng officemate ko, very Capricorn daw. Hehe. Iba rin kasi yung joy na unti-unti kong binubura sa listahan yung mga nagawa ko na. Walang konek ng slight pero malilimutin nga kasi di ba? Hehe.

Lahat ng mga alaala, ang sarap talagang balikan. Kasi lahat yan, parte ng kung sino at kung paano ka ngayon. At habang kaya pa, I will try my best to live life and create more memorable moments that will live in my heart forever. 

O siya, happy Sunday! 

No comments: