Tuesday, April 07, 2026

Sound trip...

Today, a co-worker asked me to listen to a song that he wrote. Kinuwento niya yung pinanggalingang experience, his feelings during that moment and then handed his earphones. Sabi ko, gusto kong mag-isa lang ako para mas maramdaman ko yung mensahe ng kanta na walang distraction.


Game!

Pumunta ako sa isang sulok.

Nakinig.

Next thing you know, umiiyak na ko.

Nagulat siya. Kahit ako eh! Haha! 


The song has this relatable feel. Like, it’s impossible na walang taong papasok sa isip mo when you listen to the lyrics. Maganda ang buong kanta and it spoke to me. Kung maririnig ko siya sa radyo, feeling ko kinakausap ako ng radyo at pinapatamaan ako. Madaming taong mafi-feel nilang ginawa ang kantang yun for them. Ganun ka-genuine yung emosyon. At excited akong ma-release siya. 


That song made my day.

No comments: