1. Stage Rehearsal
2. Oci's
3. Edit 2 VTR's na may sandamakmak na materyal.
Natapos kami sa Rehearsal and OCI's ng 7pm. Kumain ako ng dinner saglit and then umakyat na to edit. My golly wow, nagsimula akong magedit ng 8PM, 11pm hindi pa din ako tapos sa unang VTR. 3 hours para lang magtrim. Sabayan mo pa ng feeling na nilalagnat ka na dahil walang pahinga and napakalamig sa studio at sa editing bay.
In short, 3:30AM na ko nakauwi. Coco was sweet enough to bring me food around 11:30PM nung mga time na wala na ko sa sarili. At kahit na ilang hakbang lang ako sa office, sinundo niya ko to make sure I get home safe. As in gumising pa siya para sunduin ako sa office at ihatid ako. Noong nakita ko siy, sobrang naiyak ako.
First time after a long long time kong naramdaman yung ganitong klaseng pagod. Yung maiiyak ka nalang kasi wala ka namang magagawa. May kailangan kang tapusin eh.
Napabulong nalang ako sa sarili ko ng "I love my job!" dahil totoo naman sabay natulog after magsulat ng script paguwi.
Hanggang ngayon hinang hina pa din ako and nilalagnat but walang choice, kailangan ko pumasok dahil may taping.
Sana man lang makabawi ako tomorrow ng pahinga. Isang araw na magkabonding kami ng kama ko, masaya na ko dun.
No comments:
Post a Comment