Got mine processed earlier. Sabi ko sa sarili ko, okay lang kung walang image na lumabas. Hindi ko na lang iisipin na napakamahal ng film niya. Sabay abot ng film kay ate at nagantay ng 2 and a half hours.
Ito ang kinalabasan niya...
This week, ibang film camera naman ang gamit ko..
And i'm proud to say na ako magisa ang naglagay ng film. Yung nauna kasi pinalagay ko pa sa officemate ko. Hehe. Pero dito sa camera na 'to, masasabi kong independent woman ako. Hahaha!
Alam mo yung feeling na hindi mo alam yung ichura ng kakalabasan ng image na kinunan mo. Tapos magaantay ka talaga. Parang yang picture ni Maja. Exposed yung part na mailaw kaya ganyan pero I love the effect. And to think na toy camera na walang battery lang ang gamit ko!
Iimprove ko yung pagpili and pagkuha ko
sa mga subjects ko :)









No comments:
Post a Comment