Bakit nga naman kasi halos pareho ang June and July?
Miss kita, Ma. Minsan iniisip ko kung bakit maaga kang nawala. Mas masaya siguro kung naabutan mo yung graduation ko noong HS and College. Nasanay ako na gusto mo laging may award ako sa school kaya hangga't nakakaya ko, sinigurado kong may merit award ako or nasa Dean's List ako. Yun nga lang hindi ako naging Cum Laude, sorry dun ha.
Minsan talaga iniisip ko din kung ano ang iaadvice mo sakin tuwing may problema ako. Namimiss ko yung kwentuhan natin. Yung pagsabay mo sakin na manood ng cartoons. Yung pagtatanggol mo sakin kapag pinapagalitan ako ni Lolo dahil nagdrawing na naman ako sa pader o dahil ang tagal ko sa telepono. Namimiss ko yung yakap mo kapag matutulog na tayo. Yung alam mong takot ako matulog magisa kaya lagi tayong tabi sa kama kapag wala si mama.
Miss ko na din mga luto mo. Buti nalang at ginanahan akong magaral magluto para kay future hubby and mini me. Ma, alam ko na hindi niyo ko pababayaan kaya kayo na po bahala sakin ha. Nalulungkot pa rin ako minsan pag naiisip kita kasi wala ka na pero ayos lang, alam ko naman na masaya ka na diyan sa heaven.
Miss kita, sobra. Sana pag naging mommy ako, maging kasing ganun katiyaga at mapagmahal din ako.
Happy happy 80th birthday!
Mahal kita Ma! Sana nababasa mo yung mga sulat na iniiwan ko doon sa lalagyan mo ng abo. Susulat uli ako soon :)
No comments:
Post a Comment