Maliban sa Chocolate Truffle cake na kinain ko for breakfast at sa Corned beef and Cabbage na niluto ko for lunch... (Insert picture muna)
....Ang tunay na kumumpleto ng gabi ko ay ang gig na matagal ko nang inaantay. Ang sanib pwersa ng musika ni Ebe, Johnoy at Bullet.
"Sa dinami dami ng tao sa mundo, Aba'y akalain mong tayo ay magtatagpo" -- Buntong Hininga | Johnoy Danao
Tinutugtog pa lang ni Johnoy ang kanta sa gitara, palakpakan at react agad ang mga tao na alam na alam nila ang kanta at paniguradong makakarelate sila. Mas sawi at sapul sa puso, mas malakas ang hiyawan.
"Ang bawat daan ko ay patungo.. Ay pabalik sa iyo" -- Bawat Daan | Ebe Dancel
Sabi ko sa sarili ko na kapag kinanta ni Ebe ang "Lapit", iiyak ako. Pero ang kinanta niya ay "Wag ka nang umiyak" at since masunurin ako, hindi ako umiyak.
"Ang next song ko ay "Galit". Hindi siya happy song. At single ko siya for 2 years na. Pero ako, mas matagal na akong single" -- Bullet Dumas
Sa kanilang lahat, si Bullet ang pinaka intense magperform. Yung mapapapalakpak ka talaga ng malakas pagkatapos. Habang kumakanta siya ng "The Scientist", kinalabit ako ng waiter at may inabot na resibong may note.
"Maam, may nagpapaabot po sa inyo"
Tinignan ko ang pangalan at sa isip isip ko, sino ba to? Pagkita ko, may pangalan ng show na niluluto namin sa note. Ahh! Buti na lang kakilala ko. Kinabahan ako kasi sa buong buhay ko, unang beses ko pa lang naexperience yung ganung scenario.
Supposedly pupunta akong mag isa. Pero for some reason, bigla ko itong nabanggit sa officemate ko na apprently ay mahilig din pala sa ganun. Thank you Lord. Siguro ayaw niyo kong mag solo kanina kaya ganun ang nangyari :)
Sabog man ang entry ko na ito kahit tapos na ang 420, to sum it all up.. My wednesday was a good day. Worth the wait ang gig nila! Nakakarelax yung feeling na tahimik lang the entire night or nakiki sing along sa mga paborito mong musikero. Iba talaga ang effect ng music.
I should do this more often. Baka sa susunod, ito na talaga.. Susubukan ko na gawing magisa :)





No comments:
Post a Comment