Wednesday, April 20, 2016

Experiment ng Tinopak.

Kahapon wala akong magawa sa prompter area dahil tapos na ko mag ayos ng spiels. So Nagcheck ako ng facebook. Ganun naman lagi e, kapag walang magawa, check ng facebook.

Pero kahapon iba yung feeling ko, puro negativity kasi nakikita ko sa feed ko sa naisip ko.. What would happen if I disappeared sa fb world. Dati kasi wala naman talagang ganito right? Ni hindi ko nga siya maintindihan noong ginawan ako ng college org mates ko e! May mawawala ba sakin? Hahaha! 

So Dineactivate ko siya ng walang pagdadalawang isip. And surprisingly, I feel less nega. Wow. Haha! Ayoko kasi ng nakakabasa lately ng mga reklamo. Kung pwede nga lang mag disappear sa Viber why not diba pero baka mawalan ako ng trabaho. So di nalang nila makikita na online ako. Hehe. Ganun na lang. 

I just miss the good ol days na walang masyadong negativity ang mga tao. Whether it's about work or politics or kung ano man. This will just be a one week thing though hindi ako maka log out sa messenger so I can still send my friends facebook messages. Medyo weird. 

Social Media Detox. So far wala pa namang nakakamiss sakin online, di pa rin tumatawag ang nanay ko para magtanong nasaan ang facebook ko. Haha! 

Hindi ko kaya na mawala ang instagram though dahil ibang usapan ang litrato. I love seeing photos taken by random people :) Kasi kapag photos, iba ang pakiramdam. Whether malungkot or masaya, alam mong pinagisipan ang shot na yun. And food photos taken by my favorite bakeries or chefs = Hayayay! Love! <3

That is all. Balik uli sa paglalaba.


No comments: