May isa akong subject na kahit gaanong aral ang gawin ko, still naging "average" lang ako kasi maling paraan ng pagbubuo ng grado ang pinairal ng professor. (Isang mahika na mahirap iexplain. Ayaw ipakita ang computation eh!)
"That grade is the basis of your performance, Ms. Cruz"
So sasabihin mo sakin na yung babaeng laging nag cucut ng klase at mas mataas ang grades ko sa kaniya sa lahat ng quiz, exam etc. eh nakakuha pa ng mas mataas na grade sakin? Nasaan ang hustisya lalo pa't scholarship ko ang nakasalalay?
Yan ang hirap kapag isa kang silent worker. Akala ng iba wala kang ginagawa at para ka lang halaman sa gilid.
Mas napapansin yung mas maingay. Yung sipsip etc. hindi nila alam, mas gusto mo lang magisip pa kaysa dumaldal na wala namang laman at magbigay ng magandang output kapag nafinalize mo na.
Nagkaroon ako ng instance na ganiyan noong college. Akala ko tapos na. Hindi pa pala. Welcome to the real world, Ms. Cruz. (2010)
No comments:
Post a Comment