Ehem... Here goes.
Subconscious (S): Sana bigla ko siyang makasalubong.
Papa G: Bakit naman?
S: Ewan ko. Parang nakukulangan kasi ako sa ending eh. Parang kailangan pa ng isang matinding conversation. Closure ba.
Papa G: Eh paano kung hindi na talaga kayo nakatakdang magkita kahit kailan. Tulad nung isang nakilala at iniyakan mo dati. Ilang taon na ang nakalipas pero kahit hibla ng buhok niya eh hindi mo nakitang muli. Hindi mo na hinanap nung nagtagal pero ganiyan ka rin sa kaniya dati. Dinaig mo pa ang imbestigador kung maka-plano ng "coincidental chit chat"
S: Hindi ko ba alam. Nakakabaliw kasi ilang buwan na ang lumipas pero lumabas lang ako ng bahay. Sumakay lang ako ng jeep. Maglakad lang ako papasok ng opisina, hindi pa rin maalis sa utak ko na "Paano kaya kung magkita kami bigla?"
Papa G: Sinasabi mo ba yan kasi umaasa ka pang may maisalba sa pinagsamahan niyo?
S: Siguro. Sayang kasi eh! Ang saya niyang kausap. Siya yung tipong minsan ka lang makahanap ng ganoong klase ng kaibigan.
Papa G: Nasira nga lang dahil???
S: Dahil naniwala sa maling bulong ng utak at puso? Hahaha!
Papa G: Mismo.
S: Pagbibigyan niyo ba ko sa hiling ko? Kahit isang beses lang?
Papa G: Huwag mong pakialaman ang plano ko
S: At ano naman po iyon?
Papa G: Sikreto. Abangan mo.
-----------------
It's been years since I last wrote something that is not about how my day went. Buti na lang I got my mind to come up with this whatever you call it na ala safeguard konsensiya conversations. Haha! Hay. Ganito siguro effect ng chilly weather plus a good night out with college friends.


No comments:
Post a Comment