Wednesday, May 12, 2010

Wish #1: Granted! :)

3 consecutive Sundays ko nang sinusulat sa prayer request envelope ko na sana.. before end of May eh may trabaho na ako. Hindi naman sa atat. Kailangan kasi eh. Ayoko nang manghingi ng pera sa magulang ko. (Demanding kay Lord diba!)

"Lord. Natatakot talaga ko na ituloy yung training sa malaking TV Network na to.. Pero kung ito talaga ang will niyo, go ako. Alam ko naman na you know what's best for me. Pero kung feeling niyo na may mas okay, dun nalang ako! Paano ko malalaman? Kung anong mas mauna, tatanggapin ko agad"

And tadaaah! Interview ko kanina sa isang Production House sa Makati.. Sabi nung nag-interview sa akin na ang swerte ko daw kasi bihira lang siya mag-check ng email. Sakto daw yung pag-email ko sa kaniya! Wow. Perfect timing :) Hindi siya actually interview, sinasabi na sa akin kung anong dapat kong malaman tungkol sa pinapasok kong trabaho at yung mga ayaw niya. Biglang kwentuhan nalang kami! Tapos sabay sabi na may meeting na kami bukas. HAHA.

At ang nakakatuwa pa dun, bukas na yung schedule ko for final interview sa TV Network na sinasabi ko. Talagang inunahan siya ng production house na ito sa makati. Ang saya saya saya lang! Walang imposible sa Kaniya! At Walang makakasira ng araw ko! :D


Dahil diyan, nilibre ko ang sarili ko ng isang girly blouse. Walang mahal sa bokabularyo ko ngayon. LOL. At siyempre hindi ko sinarili ang blessing na to. Dahil alam kong gusto rin niya talaga sa production at ayaw na niya sa recent na trabaho niya.. Tinanong ko dun sa nag-interview din sakin kung okay lang na magapply pa yung kaibigan ko na yun. Hooray. Pumayag!

Parang adik lang magkwento :))
Basta. Im really really thankful. Lagi na lang niya kong pinapasaya! ANO BA!!!! :))
Salamat. Kahit minsan feeling ko hindi ako deserving sa mga binibigay mo.
HUG! :3

No comments: