Super miss ko na ang UST. Right now, im one the verge of clicking that APPLY button on every single job vacancy that i see on the net. Hindi ko alam kung bakit, masiyado na siguro akong nahumaling sa pag-apply! Sa sobrang dami ng inapplyan ko, ilang job interviews na ang hindi ko napuntahan dahil magkakasabay silang lahat :))
Sa ngayon, iniisip ko na sana nasa UST nalang ako ngayong malamig na gabing ito.
Nakaupo sa Quadri kasama ang mga kengkoy na kaibigan ko. Tawanang walang humpay.
Sa lahat ng lugar sa school, yun ang naging happy place namin. Dun namin nilabas lahat ng problema, mga kwentong personal, dun kami nagpicnic pag feeling namin mayaman kami!
Papanoorin namin na dumaan ang mga tao at kapag may dumaang *ahem!* karapat dapat tignan na lalaki, ngingiti kaming mga babae habang sasabihan kami ni Mikz at Mac ng..
"Mga Haliparot!"
I miss school. Kaya nga plano kong bumisita ulit minsan. Tumambay sa gabi. And just reminisce. Hindi nakakasawang magreminisce! Walang kamatayang pag-aalala sa nakaraan! ANG SAYA!
Anyway, back to my normal self.
I miss the room. The feeling of being a student. Na kahit mamatay kami sa takot sa media law, sa endless schoolworks and advertising plans, sa gutom, sa mabahong hininga.. (LOL) eh in the end, namimiss mo pa rin lahat ng ito! (Except the last part!) I miss the stress that school once gave me!
Will look for that perfect person to keep me company when i once again step on the cement of that Espana gate. HMM. Parang gusto ko ulit maexperience yung baha! :P
No comments:
Post a Comment