Thursday, April 22, 2010

Job Interview number 3!

Dear Lord,

Ganito pala kahirap maghanap ng trabaho? Yung mga gusto mong company, hindi ka tinanggap. Hindi mo daw kasi nameet yung "level" nila or standards. You experience rejection. Hmm. Alam ko naman na may plan kayo para sa akin. The least i can do is apply to death until i finally get the job! At pag natanggap ako, ibig sabihin nun eh dun niyo talaga gusto na mapunta ko. Nakikinig ako sa advices ni Brother Bo. Kaya medyo hindi ako nasasaktan kapag na-reject ako. I always look at the brighter side of things and just say to myself na baka hindi talaga ko dun meant na mapunta.

Okay so may exam ako tomorrow sa ABSCBN. Gusto ko talaga kasi sa production kaya pinagpalit ko ang interview ko sa isang company na wala kang gagawin kung hindi umupo at mag-english. GETS? LOL. Baka pag natanggap pa ko sa abscbn, pagkakataon ko na para maging close kay Gerald.. Ang lalaking nararamdaman kong meant to be para sa akin. :))

Basta im still thankful. Lagi kayong andiyan. :) Excited na ako! Manlilibre ako promise kapag nagkagtrabaho na ko! Isang stick muna ng fishball. Pwede na! Kesa naman wala.

Remember: it's the thought that counts! :D

No comments: