Friday, January 29, 2010

Smile :)

Dear Friend,

Tuwing nababasa ko yung mga blogs mo, parang gusto kitang kausapin at magkwento ng todo sayo. Kasi pareho tayo ng napagdaanan. I've been there. Done that. At i must say na nahirapan ako when it was time to let go. Ofcourse maeexperience mo talaga lahat ng mga sakit, bitterness at kung anu-ano pang mga negative feelings na yan. Pero it helps rin kasi mas nagiging matatag ka. It took me a year para makalimot. Sana makalimot ka na din pero hindi kasing tagal nung akin :) Mas bagay kasi sayo ang laging happy! sobrang nakakarelate ako talaga sa mga post mo. Hihihi. Yun nga lang i never had the guts to post how i felt. Sa tatlong notebook ko nalang ito isinulat.

Kung hindi ka niya kinakausap, okay lang yan. Ako, thankful ako. Kasi nakatulong ito para makapag-move on meeee. haha! Really. Nakakairita sa simula kapag hindi siya nagrereply o kaya ayaw niya makipagkita, pero in the long run, siguro yun yung paraan niya para tulungan kang makalimot.

Concerned lang ako. If ever mabasa mo to, feeling ko hindi mo naman alam na para sayo talaga to. Pero hopefully makarelate ka. Makakalimutan mo rin siya. Hindi mo ieexpect na biglang *poof!*, wala ka nang nararamdaman para sa kaniya. Hindi ka nagsisisi na nakilala mo siya. Happy ka pa kasi kahit papaano, naging part siya ng buhay mo.

Makikita mo na pag tagal, magsasawa ka ng kakatingin sa mga online sites niya para alamin kung ano nang nangyayari sa kaniya. Hopefully someone better will come along and make you realize na ikaw yung tipo ng tao na dapat mahalin at hindi dapat iwan.

My gad ang emo ng post ko. Pero i hope na sana talaga, in God's perfect time, maging masaya ka na at makilala ang taong magpapasaya sayo. Sabay tayong maghintay! HAHA :D HUUUUUUG! Be happy! Pramis! Maraming nagmamahal sayo! I knoer that!

No comments: