“Kapag namatay ako, sa tingin mo madaming iiyak?”
Yan ang isa sa mga napagusapan naming magkakaibigan noong isang beses.
Inisip ko kung paano kaya ako maaalalaa ng mga tao.
Natawa sila dahil puro kakornihan daw ang maaalala nila.
Naiimagine ko na ang burol ko, kapag dating ng eulogy, lahat sila magpapalitan ng mga jokes na nasabi ko sa kanila. Fonneh.
Gusto ko ng masayang burol.
Ayoko ng iyakan.
Although hindi ko naman sila mapipigilang umiyak.
Gusto ko i-cremate din ako para hindi na hassle pang puntahan ako sa sementeryo.
Sa bahay na lang ako, hiling ko lang, sa magandang lalagyan ilagay ang abo ko tapos ilagay sa tabi nito yung regalo sa akin ni astrid na frame na puno ng litrato ko at ng mga kaibigan ko.
Pag dating sa kanta, patugtugin nalang nila ang kantang "Loving you" pati "Coming up easy" ni Paolo Nutini. Favorite ko kasi siya lately. Hahaha! O kaya yung kay taylor swift na "You belong with me". Masaya kasi ang alaala ko nung pinatugtog yun sa Party ni Gian.
Ayokong mamatay sa pagkalunod, sa saksak, cancer or kung anu pang nakakatakot.
Gusto ko yung biglaan. Yung wala akong mararamdamang sakit.
Yung poof! Tapos..
Gusto ko din na kapag namatay ako, alam ng mga taong mahal ko na importante sila sa buhay ko. Alam ng mga kaibigan ko na mahalaga sila sa akin. Sila kasi ang madalas kong naikukwento sa mga blog ko dito sa blogspot pati sa multiply. Pero may mga taong hindi ko man lang nasasabihan o kaya ay naipaparamdam sa kanilang mahalaga sila sa akin. Tulad ng tatay ko at ng mga kamag-anak ko dito sa quezon city. Pag dating naman sa nanay ko, alam kong alam niya na halos lahat ng ginagawa ko ay hindi lang para kay Lord kung hindi para rin sa kaniya.
Laman din ng 3 diary ko ang mga pinagdaanan ko kasama ang isang taong mahalaga sa buhay ko. Kapag nawala ako, pakisabi sa katulong ko na ibigay sa kaniya ang mga kwadernong iyon.
yung kulay black, pati yung blue na maliit at malaki.
Maaari siyang magalit, maiyak, o kaya ay matawa. Sigurado lahat yun eh magiging reaksyon niya. Laman ng notebooks na iyon ang lahat ng emosyon ko sa 1 taong nakasama ko siya. Dun niya malalaman lahat ng saloobin ko. HAHA.
Pakisabi na din kay Clark Kent na crush ko siya.
Wahaha. Joke lang. Pero kung gusto niyo talaga sabihin. GO! :))
Sana may joke time nga kapag namatay ako.
Mini comedy bar. Sasabayan ko sila sa pagtawa kapag nangyari yun.
Ang freaky pala magsulat ng tungkol sa ganitong bagay.
Kapag binabasa ko ulit, parang suicide note ang dating! Haha!
Pero walalang ito. Marami pa akong gustong gawin sa buhay.
Pero Mabuti na ring alam ko kung ano ang gusto kong mangyari pag namatay ako.
At ngayon, alam niyo na din. :)
No comments:
Post a Comment