Sunday, December 06, 2009

And the winnor es..

Kaninang umaga, iniisip ko kung magdadala pa ba ako ng semi-formal na damit.
Nagdadalawang isip ako dahil unang-una, ang bigat
Pangalawa, nakakatamad magpalit ng damit dahil masikip ang cr sa school.
Pero sabi ng conscience ko na tulad nung lumalabas sa commercial ng safeguard:

“Camille, wag kang tamarin. Minsan ka lang umattend ng ganitong event.
Sige ka, sayang din ang pagkain. Joke.”

Naalala ko ininvite ko nga pala ang mga kaibigan ko para maging guest namin ni Stephanie. So sige, kinuha ko ang blouse ko na nagkakahalaga ng isandaang piso at pantalon na skinny nung binili ko ngunit maluwag na pagkatapos ng ilang labahan.

Lalala. Klase muna.
Segue: Nakakainspire yung movie na 100. Kasi naalala ko yung bucket list ko. Parang gusto ko ulit siyang dagdagan at idamay ang mga kaibigan ko sa pagachieve ng mga gusto kong gawin. Hmm. Go! Gagawin kong parang scrapbook :)

Anyhoo. Oras na ng Ustetika. Nagpalit na kami at kumuha ng litrato. Dinner time daw muna. Hmm. Sarap ng cordon blue! I want more! Kaso simula na ng awarding of winners. OMG. Napatigil ako sa pagkain. Bigla akong nanginig.

Nauna ang fiction kung saan nagpasa ako ng entry.
Olats, di ako natawag. Boo. Pero si steph, hooray! Honorable mention siya! Yey :D

Dumating na sa category ng katha. Natawag na ang 4 na honorable mention pati ang 3rd placer. Binulong ko kay ana na parang nawawalan na ko ng pagasa. Hanggang sa inaannounce nung speaker ang isang title na tila pamilyar.

“2nd place goes to the the piece entitled Pon Ga.”

Ponga kasi yung ate. Pero wahoo! Nanalo meeeee. HAHAHAHAHA. Sa sobrang tuwa ko sa stage, eh maling camera pala ang tinitignan ko nung picture taking time. Kinilig naman ako nung Sinabi ng mga judge na nagabot sakin ng award na..

“Aha! Ikaw pala yun! Yung Ponga! Sayang sana hindi mo na nilagyan nung subtitles! Pero ang ganda! Congratulations”

Wew. Touched naman me. Thanks foes. LOL.
Natawa ko dahil naalala pa nila yung mga subtitles ng kwento ko. It really means na binasa nga nila. Dah.


Natapos ang gabi na nakangiti kaming magkakaibigan. Nagpapicture ako kasama si Sir Eros, ang isa sa mga judges at ang taong naging inspirasyon ko sapagkat kung hindi dahil sa mataas na grade na binigay niya para dun sa short story ko eh hindi ko iyon ipapasa sa Ustetika (dahil mahal magpaphotocopy ng limang kopya ng 15 page short story).


Thanks Lord! Ilang beses ko yatang pinagdasal ito and as always, tinupad niyo ang wish ko.

PS. Hindi ako nakapag-hello kay Clark Kent kahapon.
PPS. Pero may picture naman kami.
PPPS. Boo yeah!
PPPP. Still hoping na we could talk. Harhar :) In time. Sa ngayon, iaappreciate ko muna ang view sa malayo. Inspired yo.

No comments: